Maria Venus Raj, nabawi na ang Bb. Pilipinas-Universe crown!

OVER THE WEEKEND, hindi nag-aksaya ng panahon si Maria Venus Raj at ang kanyang abogado to finally clear things up with the Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), this time over its decision to give her back the BB. Pilipinas-Universe title.

Nitong Sabado lang kasi nag-e-mail ang BPCI reversing its earlier decision to dethrone Venus on the grounds of alleged misrepresentation kaugnay ng kanyang birth records. The past days had seen the beleaguered beauty titlist hopping from one showbiz talk show to another as battleground upang maibalik sa kanya ang kanyang binawing korona.

Well, her TV appearances paid off. Hayun, bago siya isalang sa Startalk ay sinabihan na rin pala siya ng BCPI regarding the reinstatement, pero hindi pa raw sapat ‘yon. Surely, after leaving the GMA Compound ay dumiretso na si Venus with her lawyer in tow to the BCPI office, just one MRT station away (of course, she didn’t ride the train).

Pagkakaroon ng Valid Philippine passport ang hinihinging kundisyon ng BPCI in exchange of her reinstatement para makasama sa mga preparasyon ng Miss Universe. Incidentally, Venus has no idea which country will host the pageant at kung kailan ito gaganapin.

BAGAMA’T PREROGATIVE NG isang live guest to pre-screen possible questions na itatanong sa kanya, as in the case of Claudine Barretto, hindi siyempre maiiwasang hindi siya kulitin tungkol sa tampuhan nila ng kanyang Ate Gretchen. Claudine’s Startalk guesting last Saturday was to essentially promote her drama special, pero meron ding “special drama” ang kanyang kampo.

Mahigpit kasing ini-screen ang mga itatanong, only questions surrounding her TV show were retained. Sa madaling salita, bawal ang tungkol kay Gretchen, but could Claudine help it lalo’t sumalang siya kina Butch Francisco, Lolit Solis at Ricky Lo whose job (not just hosts but entertainment columnists as well) is to let the public know kung ano ang totoo?

Pero walang nagawa si Claudine at ang kanyang kampo, all three hosts cunningly found a way to scratch the surface at the very least. Halatang nag-iba ang timpla ni Claudine, but she had no choice but to sit still (unlike Gretchen who stood up and turned her back from the press).

QUEZON CITY IS the home of six broadcasting companies: ABS-CBN, TV-5, GMA, RPN, IBC and NBN. Tahanan din ito, ayon sa statistics ng walumpung porsiyento (80%) ng mga artista, most of whom are already in politics at mga sasabak pa lang.

Because of the “star stature” associated with the city kung kaya’t pangarap ni mayoralty candidate Mike Defensor na lumikha ng Hollywood upang higit pang patingkarin ang pagkakilala sa siyudad bilang City of Stars.

Paunang hakbang ang pagtatayo ng isang museo that will enshrine the icons in the entertainment industry, foremost is to immortalize Mike’s idol, the late Fernando Poe Jr. in an image made of wax including display of his timeless memorabilia.

Sa mga artista, kanino pa kayo?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

9 thoughts on “Maria Venus Raj, nabawi na ang Bb. Pilipinas-Universe crown!

  1. paano mananalo ng miss universe ang pinas eh ang bossing nila na si stella araneta eh di namn pinay hehehe pilipinas talaga…… iboto na lng natin si villar tunay na mahirap

  2. Nakatulog ka na ba
    sa bahay sa camella?

    Kumita ka nga ba
    sa “C5” na kalsada?

    Yan ang tanong namin
    talaga bang di ka aamin?

    Nalaman mo na bang
    ninanakawan ka n’ya

    Uunlad pa lalo ang kanyang negosyo

    At ang kanyang plano
    ay maging trilyonaryo

    Si villar ay tunay ngang mayaman

    Si villar ay marunong ngang mang-akit

    Si Villar ang may kakayahan’g
    mag-advertise walang pakundangan

    si manny villar ang sasaid

    ng ating kabang-bayan

  3. Mabuti nalang may nag upload sa internet nung pschiatric record ni Noynoy kundi nalansi tayong lahat ni ABNOY.

    Bakit si NOynoy nagbibingi-bingihan sa alegasyon na nagpatingin s’ya sa psychiatrist noong 1996. True or not, we, the voters deserve a clarification from him. We want to know his condition at present. If he still suffers episodes of depression, we deserve to know. Although I am definitely not voting for Mr. Aquino, the rest of our citizens who are voting for him just because he is Aquino and they don’t know the real NOynoy should know kung talagang may topak sya o wala o sinusumpong pa sya paminsn-minsan. Hindi biro ang magkaroon ng presidente na may kulang bah. Paano na ang ating bansa?

  4. ANG MGA MS UNIVERSE ORGANIZERS NAGPAPASIKAT DIN…DAPAT BAGO ISALANG SA RAMPAHAN MGA BEAUTIES AY SCREEN NA MUNA…SCREEN, LASER SCREEN, X-RAY, METAL SCREEN.. LAHAT SCREEN AND KATAWAN,PASSPORT,NATIONAL.ETC…..AFTER PUMASA UNG BEBUT, THEN SAKA PARAMPAHIN NG TUDONG-TUDO SA MS. U…ANO BA YAN, SIMPLE THINGS…

  5. April 13, 2010
    Visited 8 times, 8 so far today
    under Balita
    Post Tags: Balita, Juan Ponce Enrile, news

    NARARAPAT LAMANG NA suriin ang pag-iisip ng isang kandidato, lalo na ang tumatakbo sa pagkapangulo, ang kundisyon nito sa kalusugan.

    Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Ponce-Enrile, kaugnay ito sa kumakalat umanong pekeng psychiatric report laban kay Sen. Benigno “Noynoy Aquino III, na lumalabas na umano’y may problema sa pag-iisip.

    “That is fair game, dahil he’s going to be the president of the country. He has to make decisions. Eh, kung may topak? Pa’no ‘yun? Dapat na mentally at emotionally stable ang mga kumakandidato sa pagkapangulo,” diin ni Enrile.

    Sinabi pa ni Enrile na kung hindi nabibigyan ng kaukulang pagsusuri sa pag-iisip ang isang kandidato, maaring maging kagaya sila ni Roman Emperor Caligula na ginawa niyang consul ang kabayo niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.