Maria Venus Raj, major major winner!

DADAMPOT LANG KAMI ng mga tweets pagkatapos ng makasaysayang Ms. Universe 2010 na ginanap sa Las Vegas, Nevada. Siyempre pa, maging proud na tayo, dahil naka-fourth runner-up naman ang ating pambato: si Venus Raj.

Ang daming comments, grabe.  Lalo na du’n sa sagot niya sa question and answer portion na ginamit niya ang mga salitang “major, major!”

Ang stage actor at makeup artist na si Ricci Chan: “TANDAAN: marami na tayong mga matatalinong contestants na di man lang umabot ng top 15. BONGGA KA VENUS IN A MAJOR MAJOR WAY!”

Tim Yap: “Miss Phils Venus Raj’s journey from rice fields of Cam Sur 2 Mandalay Bay in Vegas is a feat in itself. She made us proud!”

Say Alonzo: “4th place is better than no place. So proud of Venus and prouder to be a Filipino.”

Alex da Rossi: “Inuulit ko, sabi nga ni Melanie Marquez noon, “Basta ang masasabi ko lang, basta maganda ka, may karapatan kang magkamali!”

NAKAKALOKAH SI CHOKOLEIT, ang daming tweets at pinaglaruan talaga ang “major-major” ni Venus Raj.

“Miss Mexico was crowned as MISS Universe while Miss Phiilippines was named MAJOR Universe.”

“Pagbalik ni Venus Raj may mall show siya entitled: Major! Major! sa Market! Market!”

“Lahat ng kagagahan na naisip ko gumagana galing din sa mga kasiyahang umaapaw nagmumula sa inyo, Maraming Salamat. Dapat masaya lang tayo.

“Sa kasabihang in come in threes, kung tinatlo siguro ni Venus Raj ang pagsambit ng Major Major, malamang nakuha nya ang Major Prize.”

“Sa major na homecoming ni Maria Venus Raj, idadaan siya sa mga major thoroughfares ng Manila kasama ang isang batallion na Majorettes.

“Isipin nyo na lang kung ‘di umabot si Venus Raj sa Top 5, wala tayong Major Major discussion ngayon na Major Major ang saya! I Heart you Venus!

“Ma. Venus Raj pang Miss GAY answer: Witchels pa po akong na-job well done na ikina bonggang-bonggang na okray akech, waley pa po sir!”

“Tama Si Venus Raj na wala pa siyang regrets, ngayon na lang malamang sa pagsagot nya in a Major Major Way…” … Napasaya nya tayo, aminin!

“Kahapon Captain Mendoza, Ngayon Major Raj, Bukas General Cleaning na Tayo!!”

“Isang Masayang Major Major na Tanghali sa inyong Lahat!!

“Major Major in tagalog is, Bonggang Bongga!”

“Major Major!” is the new “Oh Captain My Captain!”

“In fairness, huli syang tinawag sa Top 15 at Top 5, pero sa announcement na, siya naman unang tinawag, sana nagpahuli pa rin siya.”

“On to our next candidate… she is a student of Mass Communications Major Major in Broadcasting.”

“Gaga kayo, magaling lang basahin, ‘di ko masasabi yun kung nasa pinagitnaan ako ng magaganda at harap ng ganu’ng kadaming tao, na-TAE na ako!”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama sina Ms. F, Francis Simeon at Rommel Placente.

‘Yan ay kung type n’yo lang maaliw, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleEnchong Dee, ‘di raw pinipilit ng staff ng Magkaribal na magtrabaho
Next articleCristine Reyes, binastos ni Zanjoe Marudo?!

No posts to display