Maria Venus Raj, impressive ang pakikipagpukpukan sa Miss U!

MAY MAAGAP NA paglilinaw ang Brazilian model-turned-actor na si Daniel Matsunaga hinggil sa pagkaka-link niya lately kay Heart Evangelista at sa hinalang baka siya ang cause ng break-up ng aktres at ng boyfriend nitong pulitiko from Isabela. Medyo naaalarma din daw kasi siya sa naglalabasang tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

“I don’t know why people think they broke-up because of me,” aniya. “They must have a reason for it but not because of me.”

Sapul kasi nang magkasama sila sa seryeng Langit Sa Piling Mo na pinagbibidahan ni Heart, nalagyan ng kulay ang unti-unti nilang pagiging malapit sa isa’t isa hanggang sa dumating na sa puntong nakikita na silang magkasamang lumalabas.  Na hindi naman itinatanggi ni Daniel pero may mga kasama naman daw silang iba.

“She’s a very, very nice girl. Very friendly. Always smiling. She’s a very nice person and beautiful,” pahayag pa ng binata when asked kung bakit kaagad-agad siyang nakaramdam ng admiration sa aktres.

But when asked kung posible bang humantong nga iyon into something really serious and romantic, ang nangingiti niyang tugon: “If it leads to that… well I think for now, she still have something for her ex-boyfriend or something. And I don’t want to be the reason for that.

“I am focusing on my job. But in the future, we’ll never know. Our friendship is getting better. So we’ll never know in the future.”

Ganyan?

IT’S GOOD TO hear that Maria Venus Raj is doing well in representing the Philippines sa Miss Universe pageant. Ito’y base na rin sa mga naglalabasang balita at updates through the internet. Since the day she arrived nga raw in Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas na siyang venue for the said biggest and most prestigious beauty contest, isa umano siya sa madalas makatawag-pansin among the 83 delegates.

Magmula sa kanilang promo tour, photoshoots, swimwear parade, at iba pang pre-pageant activities, very confident daw si Venus as she enjoy every single moment of it, kaya naman hindi siya nasasapawan ng iba pang kandidata na kanya-kanyang eksena para mapansin ng lahat. She really managed to deliver and impressed the crowd nga raw sa lahat ng mga ginanap na events including the auction for the benifit of the Nevada Cancer Institute where she auctioned an elegant pearl necklace and a pair of boxing gloves signed by Manny Pacquiao.

Balita pa rin ngang Venus recently rocked the national costume show as she proudly modelled her black, white, and yellow Filipiniana gown created by a Colombian designer. Tuwang-tuwa rin umano ang 22 year old na Bicolana sa overwhelming support ng mga kababayan nating Pinoy roon.

Maging ang Bb. Pilipinas Charities Inc. chairman na si Mrs. Stella Marquez Araneta ay todo ang ibinibigay na suporta kay Venus. Ito ay sa kabila ng mga naging isyu at kontrobersiya sa pagitan nila noong kasagsagan ng usapin hinggil sa pagkaka-dethrone at sa pakikipaglaban ng dalaga na maibalik sa kanya ang titulo at korona, na nauwi naman sa pag-aayos at happy ending.

Pahayag nga sa media ni Mrs. Araneta, “I think she is doing very well. I am getting comments from other countries, and they said we have a terrific and strong candidate.”

Filipinos all over the world are hoping that Venus will make it to the top 10 and eventually emerge as the country’s third Miss Universe after Gloria Diaz and Margie Moran won the said title in 1969 and 1973. Sa internet, ramdam nga rin ang ang todo-buhos na suporta ng ating mga kababayan para sa kanya.

Sa August 23 na ang coronation night ng Miss U na mapapanood dito sa atin on August 24 (Tuesday), live via satellite, 9:30 AM sa ABS-CBN with a primetime telecast the same day on Studio 23 at 9:30 PM.

At dahil diyan, let’s all wish Venus good luck!

Manalo man siya o matalo, enough that she tried doing her best, para maging proud tayong lahat sa kanya.

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Maria Venus Raj, impressive ang pakikipagpukpukan sa Miss U!

Leave a Reply

Your email address will not be published.