Maria Venus Raj, binigyang-karangalan ang ‘Pinas!

OLA CHIKKA!! NASAKSIHAN na nga ng buong mundo itong katatapos lamang na Ms. Universe 2010 Pageant kahapon na ginanap sa Las Vegas. Punung-puno ng pag-asa ang lahat ng Pilipino na mananalo ang ating pambatong si Maria Venus Raj dahil sa kakaibang self-confidence niya at pamatay niyang charming smile. Humataw rin sa online poll ang ganda ng ating kandidata nang makuha niya ang highest votes sa survery sa internet.

Maaring nakuha niya ang simpatiya ng mga tao dahil sa isyu ng pagka-dethrone niya bilang Bb. Pilipinas 2010 regarding sa kanyang citizenship. Pero na-regain din niya ang titulo at ngayon ay nagbigay nga ng magandang laban upang maging Ms. Universe 2010.

Sa bagay, ano nga naman ba ang pakialam ng buong mundo sa problema natin sa Bb. Pilipinas? Sadyang may laban lamang ang ating pambato si Venus kaya hindi nagpahuli sa surveys at rankings.

Pinatunayan nga ni Venus na palaban ang mga Pilipina nang huling matawag siya para pumasok sa Top 15 at lalong sinopresa ang ating mga kababayan nang mapasama sa Top 5. At hindi nga binigo ang Pilipinas nang manalo siya bilang 4th runner-up ng Miss Universe 2010.

Hindi man naiuwi ni Venus ang korona, proud na proud pa rin ang mga Pilipino dahil sa kabila ng dami ng bilang ng kanyang kalaban ay nakakuha pa rin siya ng titulo. Talagang may laban itong si Venus at walang dudang kaya niyang maiuwi ang korona. Ngunit sa hindi natin alam na dahilan o maaaring dala na rin ng kaba ay hindi niya nasagot nang maganda ang tanong na: “What is one big mistake that you’ve made in your life and what did you do to make it right?” mula kay judge William Baldwin.

Ang naging sagot ni Venus ay ganito: “You know what, Sir? In my 22 years of existence I can say that there is nothing major major, I mean, problem that I have done in my life. Because I am very confident with my family, with the love that they are giving to me. So, thank you so much that I am here, thank you thank you so much.”

Aminin na nating medyo malayo sa tanong ang kanyang naging sagot, or walang masyadong substance, maaari niyang i-share ‘yung mga moments niya dati, or kahit ano, kahit hindi major problem, puwede na sana, kahit hindi ganu’ng problema, basta nasolusyonan niya nang maganda. Dahil ‘yun naman ang nais marinig ng mga judge, eh.

Buti pa ang sagot nitong si Anne Curtis sa kanyang pageant na Ms. Showtime ba? Bonggang-bongga ang sagot at korona sa sarili! Ha-ha-ha!

HINDI NA RIN natin masisisi si Venus dahil hindi talaga madaling humarap sa maraming tao lalo na sa buong universe at alam naman natin na kahit na ganu’n ay she did her very best para iangat ang image ng ating bansa. And what she did sa pageant is great and winning as 4th runner-up is not bad.

Ano na kaya ang say ng management ng Bb. Pilipinas ngayong nakapag-uwi ng titulo ang dating dine-dethrone nila? Malamang na i-congratulate din nila, gaya ko at ng buong Pilipinas. Kaya in behalf of all Filipinos, Congratulations Maria Venus Raj! We’re so proud of you!! Mabuhay ka!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong doctor na kilala sa beauty and showbiz industry na napapabalitang complicated or may naamoy sa kanya na something fishy?!

Unang lumabas ang isyu na ‘yan dahil sa makinis niyang kutis at mukhang maalaga sa sarili. Malamang! Isa siyang cosmetic surgeon kaya nararapat lamang na he looks great para maraming clients, ‘di ba?

Kaso, alam n’yo ba kung ano ang ikinagulat ko?! Nang maispatan siya ng aking parazzi girl sa isang club sa Makati na nagsa-sight-seeing?! As in pinapanood ang mga cute guys at mukhang naghahanap ng prospect.

Ayan ha! Ka-pederasyon ka pala! Ha-ha-ha! Paano na ang iyong wifey n’yan. ‘Yun na!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

16 thoughts on “Maria Venus Raj, binigyang-karangalan ang ‘Pinas!

  1. Apparently, Mrs. Stella Araneta and BPCI were merely being managerial, not hypocritical about Maria Venus Raj’s complicated origins, when they dethroned her. Philippine law requires births to be reported to Government, inside territory (Local Civil Registrar’s Office) or outside territory (nearest Philippine Consulate/Embassy) within 1 month of occurrence. Late-registration renders a BirthCert suspiciously fraudulent, as in the case of Maria Venus Raj. Be that as it may, the lady is a Filipino national by principle of “jus sanguini” because her biological mother is a Filipino – notwithstanding that her biological father is Indian and that she was actually born in Doha, Qatar. The problem is, a late-registered BirthCert makes passport application at the Department of Foreign Affairs complicated and U.S. Visa application at Embassy Manila near impossible. Now if there’s no passport nor visa, how indeed to get to Las Vegas and compete?

    Unfortunately during the pageant’s final competition, poll and audience favorite Venus Raj subconsciously thought out her answer to William Baldwin in native language (Iriga Bikolano or Rinconada), and then articulated it in second language (English). Psycholinguists will confirm that a non-native speaker, even if intermediate level in learning achievement, may hardly be able to respond with spontaneous eloquence in second language within a fleeting time-sensitive instance at a public stage event. The hard lesson learned here is that, even if a Philippine beauty candidate can speak English, she should opt to avail of interpreter service, as how English-speaking Miss Mexico did. After all, Miss Universe is not an English public speaking contest — it is an international beauty competition!

    Still, making it to Top 5 in hand-me-down gowns was no minor, minor feat. So here’s my sincere “MAJOR, MAJOR CONGRATULATIONS TO MISS RAJ!”

  2. Need clarification-out of topic ito. Totoo ba ang tsismis na BAKLA si Pia Guanio? Nag-watch ako ng EB to confirm parang totoo yata, dahil makapal ang makeup niya at parang natutunaw na nga dahil sa kapal.

    • cguro kampon ka din ng mga demonyo no! tanga m nmn ,paano m nsbng bakla eh,ilang beses n nmn nkikita yan,babaeng babae,baka ikaw ang bakla,bka nga mas mukha png babae sayo yan..

      • Bagay nga sa ‘yo ang name mo, Engot. Patulan ba ang Jenny na gagah.
        Obvious naman na nilalait lang nya si Pia Gurangnio.

  3. Pingback: Maria Venus Raj, binigyang-karangalan ang ‘Pinas! | Create World In Peace

  4. kahit nOOn pa man ay taLagang may mga signOs na si Doc. CaLayan na bading siya. may isang event nga nOOn sa cEbu, pagkatapos ng presscOn na dinaLuhan nya, may nakarinigsa kanya na staff/media na sabi niya… “may mga gay bar dito sa cEbu??”… ayun!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.