Maria Ozawa, ibinuking na na naka-one night stand si Cesar Montano

Maria Ozawa, ibinuking na na naka-one night stand si Cesar MontanoMabuti na lang at hindi natuloy ang pagsasama ni Robin Padilla at ng porn star na si Maria Ozawa para sa isang MMFF 2015 project noon, dahil kung nagkataon, baka ma-tempt si Binoe at matulad siya kay Cesar Montano na biktima ng kiss and tell ng porno star, na sabi ng mga kaibigang barako namin na dating mga “hosto” sa bansang Hapon, sikat daw at hot na hot si Maria sa mga pelikula niyang hindi lang hubaran kundi mga triple x, at malamang sa hindi, iiyakan  ni Mariel Rodriguez kung nagkaroon ng chance na nagka-one night stand sina Binoe at Maria.

Mabuti na lang good boy ang ka-batch namin sa showbiz at going straight na siya at alam niya na ‘pag nagkataon, masasaktan niya ang misis na mula nang ikinasal sila, never kong naringgan na may balitang nangaliwa si Robin.

Pero si Cesar Montano, biktima ng pagkadalahira at pagiging tsismosa ni Maria Ozawa, na sa online podcast show ng kontrobersyal na si DJ Mo Twister, tsinismis nito na nakasiping niya si Buboy .

Yes, nagkatikiman silang dalawa noong sini-shoot pa nila ang filmfest entry nila last December.

Ewan ko kung anong reaction ng dating misis ni Buboy na si Sunshine sa isyung ito. Ang alam ko, deadma na ang aktres sa mga kabulastugan ng dating mister, na ang kasong annulment na isinampa ni Sunshine ay dinidinig pa rin sa korte.

Sa kasalukuyan, may isyu pa nga na dapat bigyang-linaw ni Cesar na magpasahanggang ngayon ay inililihim pa rin ni Buboy sa media, ang tungkol sa pagbubuntis at panganganak ng sinasabing girlfriend na si Sandra Siefert.

‘Pag nagkabukingan at mapatunayan na siya ang ama ng sinasabing anak ni Sandra, malamang sa hindi, magiging happy na si Sunshine dahil mapabibilis ang annulment case na isinampa niya sa korte.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleVice Ganda, nakabitin na ang movie career sa pagkawala ni Direk Wenn Deramas
Next articleAlden Richards, ‘short but sweet’ ang birthday message kay Maine Mendoza

No posts to display