Marcoses, ‘di na ipipilit ang FM hero’s burial sa Aquino admin

WALA NA UMANONG balak ang pamilya Marcos na igiit pa kay Pangulong Benigno Aquino III ang ninanais na hero’s burial para sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang tahasang sinabi ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos matapos ihayag kamakailan ng Pangulo ang kanyang pinal na desisyon sa kahilingang hero’s burial at military honors para sa kanilang ama.

Sa telepono pa lamang sila nagkausap-usap ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos at mga kapatid kaya’t magkakaroon sila ng ibang pagkakaton upang pag-usapan din ang kanilang pinal na desisyon, ayon pa rin sa gobernadora.

Hindi na sila interesado na mailibing ang ama sa Libingan ng mga Bayani bagkus ay gusto nilang mabigyan naman ng state honor bilang naging congressman, senator at pa-ngulo ng bansa, dagdag pa ng opisyal.

Sang-ayon umano ang pamilya Marcos na kahit sa Ilocos Norte mailibing ang labi ng dating pa-ngulo na mahigit 18 taon nang nakahimlay sa isang refrigerated crypt sa kanyang mausoleum sa Batac City at naghihintay pa rin sa paghatid sa kanya sa huling hantungan.

Hihintayin na lamang nila ang susunod na administrasyon baka sakaling mapagbigyan ang ninanais para sa amang yumaong dating presidente, ani pa ng gobernadora. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.