Marcos, Walang Balak Ikudeta si Enrile

UMALMA SI Senador Bongbong Marcos na siya at ang Nacionalista Party ang umano’y utak ng planong pagpapatalsik kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sinabi ng senador na hindi siya ang nagmaniobra sa pag-atake ni Senador Antonio Trillanes IV kay Enrile.

Ang alitan ng dalawang senador ay para sa kanilang dalawa lamang at walang sabwatan sa partido dahil nag-iisang lumipat si Trillanes sa minorya, ani Marcos.

“Senator Trillanes was upset, for whatever reason, with the Senate President. Because of that, lumipat siya sa minority, that’s it.”

“It’s not a move by the Nacionalista, it’s not a move to replace the leadership. It is a move of an individual senator who is disgruntled with the leadership so he moves to the minority,” dagdag pa ni Marcos.

Maaalala na nagkainitan kamakalawa sina Trillanes at Enrile matapos akusahan ng una ang huli na nire-railroad na hatiin ang Camarines Sur. Isiniwalat naman ng pangulo ng Senado na nagba-back channel ang senador at sikretong nakikipag-negosasyon sa mga Chinese leader kaugnay sa Scarborough Shoal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.