Marco, madalas ka-date si Precious Lara?!

NAKU DAY! ITO palang si Marco Alcaraz ay nanliligaw ngayon kay Precious Lara Quigaman?!

Nagkabukingan daw roon sa press preview ng pelikula niyang Pitik Bulag na magsu-showing na sa July 1.

Hindi naman diretsahang inamin ni Marco na nanliligaw siya, pero si Lara nga raw ang madalas niyang ka-date ngayon.

Curious kasi ako rito kay Lara dahil noon pa man, marami na akong naririnig tungkol sa kanya, na kung sino ang dyowa niya at meron pa yatang intriga iyang boyfriend niya.

Pero ngayon, nilinaw ni Marco na single na raw si Lara kaya puwede na siyang pumorma sa dalaga. Eh, ito palang si Lara ay malabo raw ang mata. Ang tanong nga, nakikita kaya niya nang husto ang kaguwapuhan ni Marco.

Sabi nga ni Marco, may kalabuan nga raw ito ng mata pero siyempre nakikita naman daw ang aktor kung gaano ito kaguwapo.

Gustung-gusto raw ni Marco kasi ang pagiging humble ni Lara at wala raw itong kaarte-arte sa katawan. Kaya malay natin baka nga magkadebelopan.

Pero ang isa pang naririnig ko, magmula nang mag-break sina Paolo Contis at Isabel Oli, medyo naging naging close naman daw itong huli kay Marco.

Sabi naman ng aktor, parang nabalik ang friendship nila ni Isabel nu’ng nagkasama sila sa Goma Cup kamakailan lang, pero hanggang pagkakaibigan lang daw talaga.

Magmula nu’n, hindi raw sila nawawalan ng komunikasyon. Naikuwento nga ni Marco na nasa Singapore pa rin ngayon si Isabel, dahil binabantayan nito ang amang may sakit at parang malubha na. Isa raw si Marco sa nagpapalakas ng loob ni Isabel.

ANG CUTE PALA nitong batang bida sa commercial ng Camella Homes na ‘Bulilit.’ Ang name niya ay si Chacha Canete at four years old pa lamang, pero napakabibo at nakatutuwa kung sumagot sa mga reporters na dumalo sa press launch ng Camella Homes kamakailan lang, kasama ang dalawang anak ni Sen. Manny Villar na sina Mark at Camille Villar.

Si Erik Matti pala ang nagdirek ng cute na commercial na ‘yun at siya mismo ang nakapili sa batang ito na bumagay du’n sa concept ng commercial.

Ang dami na ngang nakakapansin sa batang ito na kasali na pala sa Goin’ Bulilit. Nu’ng ini-launch ito sa showbiz press, may ibinigay na sorpresa ang magkapatid na Mark at Camille dito kay Chacha, isang malaking doll house na matagal na pala niyang gustung magkaroon.

Mabuti na lang nga nu’ng kinuha raw nila ito, may sarili na itong lupa’t bahay, dahil kung wala, malamang na nabigyan na ito ng Camella Homes. Talaga nga naman kasing napansin ang commercial na ito at ang campaign ng Camella ng dahil sa cute na batang ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.