Marco Gallo, nanliligaw nga ba kay Juliana Gomez?

Marco Gallo

PANGALAWANG pagkakataon ko na na-meet in person ang latest “Pantasya ng Bayan” na si Marco Gallo last Saturday nang dalawin namin ang shooting ng comedy film with a heart na “Familia BlandINA”, kung saan he plays one of the children of Karla Estrada na asawa naman ng komedyanteng si Jobert Austria.

Very open si Marco. Straight forward during our interview.

Kuwento niya, kaya pala naghiwalay sila ni Kisses Delavin ay dahil sa sabi-sabi (tsismis) ng mga taong nakapaligid sa kanila.

“But ok na. We’ve learned a lot when we separated. I learned a lot dahil baguhan ako. I hope ganun din siya,” sabi ng binata na kaswal na kaswal na ayun sa kanya ay siya daw ‘yun.

Karla Estrada and Marco Gallo

Nang uriratin namin siya tungkol sa tsismis na nililigawan (or girlfriend na niya si Juliana Gomez (anak ni Ormoc Mayor Richard Gomez at Leyte Rep. Lucy Torressay tumawa lang siya.

“No hindi. Juliana is one of my best friends. Walang ganun,” sabi ni Marco. Dito sa Pilipinas, kapag nakita ang lalaki na kasama ang isang babae ay magko-conclude na sila na “sila” na ng girl.

“Friends kami. May tsismis pa na nakita daw kami sa Mc Donalds (Greenhills) dating but the truth is, madami kami. Mga friends namin went to that fastfood chain. Kumain lang kami,” kuwento niya sa matalas-talas niya na pananagalog.

Sa isang summer shoot ng Bench (kung saan both are celebrity endorsers) para sa tourism campaign form Ormoc unang nakasama ng binata ang dalaga nina Goma at Lucy.

Marco Gallo and Juliana Gomez

From then on, mas naging close sila sa isa’t isa.

Sa katunayan, sa prom ni Juliana ay si Marco ang naging escort (date) ng dalaga.

Yes, aminado si Marco, na ”chick boy” siya dati. Pero now hindi na. Natu-turn-off siya kapag ang babae na gusto niya ay iba pala ang nagiging ugali. “ I get surprised kapag ang ang ugali ng babae ay palaban pala siya.

At si Juliana: “ She’s mabait. Barkada kami,” sabi lang ni Marco.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “Marco Gallo, nanliligaw nga ba kay Juliana Gomez?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.