Marco Alcaraz will star in indie film, Pitik-Bulag

NAKAUSAP NAMIN SI Marco Alcaraz tungkol sa launching movie niyang Pitik-Bulag na dinirek ni Gil Portes. Magkakaroon ito ng premiere night sa June 24 sa Gateway Cubao, at medyo kabado ang aktor.

Ang sabi namin sa kanya, kapag indie film, siguradong kikita ‘yan kung may sex at hubaran. In fairness, most indies naman have sensible stories to tell, kaysa mga pito-pitong pelikula ng fly-by-night producers noon bago naghigpit ang SM cinemas sa R-rated movies.

Tried and tested formula ‘yan. Lalo na kung gay-themed movies na talagang may hubaran at justified ang frontal nudity, pinagpipiyestahan ‘yan ng mga mae-L.

Pero, naroroon pa ang pagka-idealistic kay Marco. Sabi niya, nagpakita man daw siya ng butt sa pelikula at mukhang matindi nga ang romansahan nila sa kama ng newcomer na si Paloma, ang gusto pa rin daw niya ay ang mapansin ang kanyang akting.

Kahit paano, tiyak na mayroong ganoong factor dahil si Gil Portes naman ang direktor nila. Kaso, ang mahalaga riyan, mas marami ang makapanood. Eh, kung kokonti lang ang manonood niyan, eh, balewala rin lang ang efforts nila. Kaya tiyak na ang hahanapin d’yan ay ang hubaran.

Lalo na’t marami ang nananakam sa katawan ni Marco na ilang beses na niyang ibinuyangyang sa ilang pictorials at doon sa mga nakaraang Bench fashion shows.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

2 thoughts on “Marco Alcaraz will star in indie film, Pitik-Bulag

  1. Sya yung sa “it might be you” dati nila j.L at bea db? Nagbabalik showbiz b xa? Tagal nya nawala.Sana mkabalik xa..

    • tutuu bang sa mga pirated producers binebenta ang rights ng mga pelikulang hindi masyadong kumita o nakabawi ng mga overheads nila?

Leave a Reply

Your email address will not be published.