Marciel Soriano, nagpaparamdam na sa pagbabalik-showbiz

 NAGPAPARAMDAM NANG talaga ang pagbabalik-showbiz ni Maricel Soriano, dahil maraming magagandang plano sa kanyang muling pagpapakaaktibo. Kaya lang, dapat ay magtuluy-tuloy ang kanyang kasipagan, at makatsamba siya ng isang matinding project na magsisilbing pambawi niya. Kasi nga, sa ngayon ay may lamlam sa takbo ng kanyang showbiz career pagkatapos ng ilang kanegahan na nangyari sa kanyang buhay pati na rin ang kawalan niya ng mga proyekto nitong huli.

Maraming kaibigan sa showbiz si Maricel na naghahangad talaga na manumbalik ang sigla ng kanyang career. Narating kasi niya talaga ang kasikatan ng isang mahusay na aktres dahil na rin sa dami ng magagandang pelikulang kanyang nagawa. Normal lang ‘yung nagpahinga siya, dahil walang magandang project. Ang hindi maganda ay ‘yung sa panahon ng kanyang pamamahinga ay mayroong sumisira sa kanyang pangalan.

Nawindang ang career ni Maricel dahil sa dalawang kasambahay na nagreklamo dati ng kanyang diumano’y pagmamaltrato. Kasunod niyan ay ikinakabit ang pangalan ni Marya sa diumano’y paggamit ng droga, na patuloy pa ring ibinibintang sa kanya ngayon. Maraming tao sa showbiz ang naaaliw kay Maricel dati, dahil siya ‘yung madalas mag-text at magpalakas ng loob ng mga taong may problema. Pero sila ang nagulat sa usap-usapan na si Marya mismo diumano ay marami palang personal na problema.

 

MULI NA namang napag-uusapan si Jovit Baldivino dahil papasok na naman ang programang Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilang markado pa rin talaga ang pagkaka-panalo ni Jovit sa PGT, dahil siya nga ang una. Napag-uusapan na rin kung ano ba ang nangyari na sa mga napanalunan niya sa nasabing kontes, dahil hindi kagandahan ang nababalita tungkol sa pamamaraan niya ng pag-iingat ng suwerteng dumating sa kanya.

Nakalulungkot lang, na diumano’y parang hindi napag-iingatan ni Jovit ang kanyang napanalunan sa PGT, dahil kung anu-ano raw ang pinaglagyan at pinagkagastusan ng pera ni Jovit. Namuhunan daw ang singer sa hindi naman kalakihang negosyo, pero parang hindi naman bumabalik ang kanyang ipinuhunan. Iniintriga rin ‘yung binili niyang sasakyan, na siyempre pa’y mahirap namang kuwestiyonin, dahil celebrity na siya nga-yon at kailangan niya talaga ng sariling sasakyan na magagamit sa kanyang mga lakad.

Hindi pa magaling magpaliwanag si Jovit kapag iniinterbyu siya, para maipaliwanag niya kung saan na napunta ngayon ang mga naging pera niya. Pero nanggaling siya sa mahirap na pamilya, kaya unfair din naman na kuwestiyunin pa kung saan na napunta ang kanyang napanalunan. May career pa naman si Jovit, at patuloy siyang kumikita ng pera. Laya dapat niya ring matutunan kung papaano talaga mag-ipon, lalo pa’t mahigpit ang kumpetisyon sa showbiz.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Marciel Soriano, nagpaparamdam na sa pagbabalik-showbiz

  1. WELCOME BACK INAY MARIA!!!! IM A SOLID KAPAMILYA BUT I AM ALSO A ROCK SOLID MARICEL SORIANO FAN!!! PATRON NG MGA BEKI YATA YAN!!!! :) SABA BALIK KANA SA DOS INAY MARIA IM SURE IT WILL BE A GRAND COMEBACK AND WE WILL REJOICE WITH JOY INAY!!!!!! WE LOVE YOU INAY MARIA!!!!! :)

  2. ang kailangan ni maricel, magaling na manager. ang manager nya ata ngayon, tatanga tanga. kung saan saang istasyon at show pumupunta eh parang hindi naman nakakatulong sa nagawang damage sa kanya.

    .

    kawawang jovit, gastos ng gastos. wala na ngang itsura pati boses sinisira. sinasayang lang ang opportunity ng pandak na yn.

  3. Just want to quote something from Francisco Colayco’s book….

    “People do not seem to recognize that the more cash they have, the more problems they will face. Those who have come into sudden wealth would almost always end up will more financial problems”

    Sayang naman ang pera na dumating kay jovit, sana ayusin nya ang paghandle nito para d agad mawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.