Marching order para mapabilis ang FOI Bill, inihirit

HINAMON NG minority bloc sa Kamara ang mga pinuno ng lower House na magbigay na ng marching order para bumilis na ang proseso ng Freedom of Information (FOI) Bill.

Sinabi ni Rep. Neri Colmenares na kung nakapagbigay ng utos ang mga lider ng kapulungan para pabilisin ang charter change resolution ay dapat maaari ring gawin ito para sa matagal nang hinihintay na FOI Bill.

Sa kasalukuyan ay wala na umanong pag-asa na maihabol kahit ang committee approval sa FOI sa Kamara sa loob ng linggong ito na huling linggo na ng sesyon ng mga mambabatas bago ang mahabang break para sa Holy Week.

Pero pagtitiyak ni House information committee chairman at Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte, marami lang talagang dapat na ikonsidera sa nasabing panukala pero tiyak na maipapasa ito sa loob ng 16th Congress.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.