Marc Abaya, mangwawasak nga ba?!

Sino’ng nagsabi na sina Katrina Halili at Hayden Kho lang ang may kontrobersiya?! Wala mang videong involved, eh, ’tila isyu rin ng pagsasamantala at pagsira ng tiwala ang namamagitan ngayon kina Marc Abaya at Maegan Aguilar ‘no?!

Si Marc ang anak ng batikang direktor na si Marilou Diaz-Abaya at naging partner ni Roxanne Guinoo sa Ligaw na Bulaklak. Siya rin ang dating frontman ng bandang Sandwich at kasalukuyang bokalista ng bandang Kjwan. Samantala, si Maegan, na isa ring musikero, eh, anak naman ng music legend na si Freddie Aguilar.

Sa blog na http://donottrustmarcabaya.blogspot.com, nakalitanya kung paanong nagkakilala sina Marc at Maegan at kung paanong nauwi sa mapait na ending ang kung anumang relasyong namagitan sa kanila.

Nagkakilala raw sina Maegan at Marc nitong April 2009 at naging “magkaibigan.” Naging super close ang dalawa at inilarawan pa nga ni Maegan sa mga kaibigan si Marc bilang kanyang “new best friend.” After three weeks, bigla umanong nawala sa sirkulasyon si Marc at umano’y umaktong parang hindi niya kakilala si Maegan. Kinumpronta raw ni Maegan si Marc pero iniwasan siya nito, kaya ipinadala na lang ni Maegan ang kanyang mga gustong iparating sa pamamagitan ng email at mensahe sa online networking na Facebook.

Nitong Hunyo 15, 2009, nagulat na lang daw itong si Maegan nang malaman sa kanyang asawang si Shawn Eicholz, na naka-base sa Houston, Texas, USA, na ipinadala umano ni Marc ang mga pribadong mensahe niya sa asawa na ikinagalit nito at naging sanhi umano ng pagkakaroon ng lamat ng kanilang pagsasama. Kaya ngayon, galit na galit ang may ari ng blog at inakusahan pang home wrecker umano itong si Marc.

Ang tanong ng mga tsismosa, ano ba talaga ang namagitan kina Marc Abaya at Maegan Aguilar?! Kung totoong ginawa ni Marc ang ibinibintang sa kanya, bakit naman niya nagawang “makipagkaibigan” at pagkatapos, eh, trinaydor ang babaeng “kinaibigan” niya?! At kung pagkakaibigan lang ang relasyon nila, bakit kailangang magpuyos sa galit ang asawa ni Maegan at mauuwi pa sa hiwalayan ang kasal nila?! Hmmmm…sa tingin n’yo mga ka-parazzi…ano’ng isyu nila?!

Ni Mayin de los Santos, Photos by Fernan Sucalit, Yomen, Mark Atienza and Parazzi Wires

Click to enlarge

loading...

4 thoughts on “Marc Abaya, mangwawasak nga ba?!

  1. hmm..The only reason any one gives this guy (abaya)the time of day, is because of his famous mom. If it weren’t for her, people wouldn’t even give this freak a second look. muka kaya syang driver. maitim, pangit, typical filipino male. ugly but thinks he’s the hottest thing that ever walked the earth

  2. hmm..The only reason any one gives this guy (abaya)the time of day, is because of his famous mother. If it weren’t for her, people wouldn’t even give him a second look. muka kaya syang driver.

  3. naku, care ko sa kanila, hindi sila sikat….kaya nga walang nagcocomment dito eh…pero ganyan daw talaga yang si Papa Marc, basta gigising na lang yan na ayaw na nya dun sa babae….ask nyo si Reema Chanco….

Leave a Reply

Your email address will not be published.