Marawi Chief Of Police, Patay sa Aksidente

NASAWI  ANG  ACTING chief of police ng Marawi City makaraang sumalpok ang kanyang sasakyan sa 10-wheeler truck sa Misamis Oriental noong Lunes, Enero 17.

Kinilala itong si Supt. Nasser Somocor Dima na idineklarang dead-on-arrival sa Misamis Oriental Provincial Hospital.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-5:40 ng madaling-araw kamakalawa nang maganap ang aksidente sa national highway sa Purok 22, Barangay Poblacion sa bayan ng Manticao.

Nabatid na tumatahak ang opisyal sa lugar lulan ng kanyang Toyota Vios na may plakang LFL 503 nang sumalpok sa truck na nakarehistro sa Phoenix Petroleum Philippines Incorporated.

Sumuko naman ang driver ng truck na si Anecillo Zia Galvizo.   (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.