MARAMING SIPSIP SA KAPATID NETWORK?!

OLACHIKKA! Don’t make your Monday a blue Monday dahil sa mga papasabugin kong chikka! Nandito na ako sa Cebu at live ang program ko sa DYRC dito. Kaya heto na ang unang pa-sabog ko.

Ang dami kasing nag-text sa akin na gawa-gawa ko lang ang chikka ko rito last Friday. Kaya ‘eto ang message sa akin ng isang TV5 insider:

“Hi, Tita Swarding. Sorry kanina, grabe ang internet connection namin dito sa bahay, sobrang bagal talaga! Anyways, it’s very unfortunate nga lang leaving the network TV5 where I worked for 9 years.

Sobrang unfair ang ginawa ni Mr. Bobby Barreiro sa amin na 7 employees na di na-retain. Nagkataon lang na siya ang binigyan ni MVP na pumili ng employees na mare-retain.

“Alam mo, Tita Swarding, ibang klase talaga si Mr. Bobby Barreiro, masyado siyang namemersonal, kasi po nu’ng time ng mga Malaysians ay naka-float siya at personal niya ka-ming di pinili, samantalang we’re just doing our job at sunud-sunuran kami sa instructions ng mga Malaysians. Nagkataon na tinatamaan siya sa mga ipinagagawa ng mga Malaysians.

“Tita Swarding, ‘yung mga kaalyado niya ang mga pinagkukuha ng mga naging tao niya sa Trackworks, ‘yung ad agency niya ng mga billboards, kasi nagsara ang agency nila at dinemanda silang mag-asawa ng partner nila sa ad agency, si Mr. De Joya, kaya pati ang MRT ay hinidi nila mabayaran tuloy.

“Hay, naku, Tita, ipinasa-Diyos ko na lang ang ginawa sa amin. Kaya tuloy hirap na hirap siya ngayon sa TV5 ‘coz hindi naman siya ang may say.

On top of the management its still MVP at Mr. Espinosa, kaya lang, mukhang si Annabelle Rama ang namamayagpag sa network, kasi kuwento ng mga officemates ko, especially from production, na lahat daw ng mga talents ni Annabelle ay pinagsisiksikan sa network at mismong dumidiretso kay MVP. Nagmimistulang Wilma Galvante raw ng network at kahit walang K ang talent ay pinagpipilitan daw do’n.

Iba talaga ang mga sipsip. Ang nasa TV5 ngayon ay mga puro sipsip gaya nina Annabelle, Cristy Fermin at Willie Revillame!

I really love to work sa isang TV network or any companies na related sa industry natin. As I’ve been in RPN 9 for 16 years at sa TV5 nga ay 9 years, kaya nakakasama lang ng loob, kasi mga sipsip ang namamayagpag.

“Sige, Tita Swar-ding, pag may raket, inform kita. Thanks po and regards!

“Sana ‘wag mo nang ma-mention name ko, kasi, I only want to work na hinarang nga ng taong nag-take advantage ng position niya. Salamat po.

Marami pa akong mga chikang alam, whether showbiz or mga top executives na mga may mga kalokohan sa network.”

NAKAKALOKA, ‘di ba? Ang mga tao nga naman, sa akin pa talaga lumalapit para masabi nila ang nararamdaman nila, kaya ‘ayan at isinulat ko na rito sa column ko para mapatunayan na hindi ako gumagawa ng kuwento.

Makinig sa aking programa sa DWSS 1494Kkhz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 hanggang 12:00 ng tanghali kasama ang aking anak na si Lady Camille at subaybayan din tuwing linggo sa DZRH 666khz, 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “MARAMING SIPSIP SA KAPATID NETWORK?!

  1. Ang sabi pa naman ni DJ Mo sa Juicy palagi na HAPPY NETWORK daw ang TV5! O ano na ngayon Mo Twisted! Na twisted tuloy ang pinagsasabi mo. Ganyan talaga ang showbiz, maski ano pang gawin ng mga network na yan na maging happy ang tahanan nila, hindi talaga maiwasan ang mga eskandalusa, selosa at ingitan between artists and executives.

Leave a Reply

Your email address will not be published.