Maraming nagpaparating ng tulong
Bella Flores, wala pa ring malay sa ospital

NAKU, HA! Naging isyu na itong pagkakasakit ni Sammy Lagmay dahil sa ginawang benefit show ni Dinky Doo Jr. para raw kay Sammy.

Masama kasi ang loob ni Sammy dahil tinawagan daw ito ni Dinky na magpapa-benefit show siya para ibigay sa kanya ang kita para sa dialysis nito.

Last year lang daw siya nagpa-benefit show nu’ng birthday niya na ang kikitain doon ay para raw kay Sammy at kay John Regala.

Pero hanggang ngayon wala namang naibigay dahil ayon kay Dinky, hindi naman daw siya binayaran nu’ng mga kumuha ng tickets.

Wala raw siyang kinita kahit singko kaya wala rin siyang naibigay kay Sammy.

Nakikiusap ito ngayon sa mga kumuha ng tickets na bayaran siya dahil siya pa raw ang napasama sa magandang hangarin niya sa mga kaibigan niya.

Pero nu’ng lumabas sa Startalk ang interview kay Sammy at sa kapatid nito, biglang nataranta yata itong Dinky Doo, pinadala na raw niya ang wheel chair.

Inayos daw niya ang surprise kay Sammy na kinu-ordinate niya sa Wish Ko Lang.

Nu’ng humarap ito sa presscon ng The Fighting Chefs ni Ronnie Rickets at Chef Boy Logro, nagpaliwanag siya nang maayos at nanawagan sa isang networking company na kumuha raw ng mga tickets na ‘di pa nabayaran. Dapat daw kay Sammy ang perang ibabayad sa tickets na ‘yun.

Binalikan ng Startalk si Sammy, at napadala nga raw sa kanya ang wheelchair na second hand pala dahil ginagamit dati ni Dinky ‘yun.

Hindi na lang ito pinalaki ni Sammy. Kung ano man daw ang mga sasabihin ni Dinky, hayaan na lang daw. Kung walang darating na tulong, okay lang daw dahil marami namang mga kaibigan nito ang nagparating ng tulong sa kanya.

 

SI BELLA Flores naman ay nasa hospital na at wala pa rin daw itong malay.

Pero abut-abot ang pasasa-lamat ng anak niyang si Ruby Arcilla dahil ang daming nagpapadala ng tulong at patuloy pa ring nagbibigay.

In fairness, ang patuloy raw na nagpapadala ng tulong ay si Ben Chan. Nang nalaman nitong nasa hospital na ang veteran actress, nagpadala uli siya ng tulong.

Sabi nga niya, isa nang icon si Bella kaya dapat ngang tulungan talaga ng movie industry. Natuwa lang daw siya nang tinanggap ni Bella ang isang short film niya sa promo niyang Benchingko. Kaya nang nalaman niyang nangangailangan ito ng tulong, hindi siya nagpapabaya.

Nakausap din ni Sen. Bong Revilla ang anak ni Bella na si Ruby, at sinabi nitong gusto niyang magtrabaho at bumalik sa pag-aartista. Nangako raw si Bong sa kanya na bibigyan siya ng role sa Indio, para makapagtrabaho ito.

Nu’ng lumabas ang interview ng Startalk kay Ruby, ang dami pang artista ang tumawag sa Startalk para magbigay ng tulong.

Isa nga sa tumawag at gustong magparating ng tulong ay ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto. Ibinigay namin sa kanya ang phone number ni Ruby para makapag-usap sila.

‘Yun lang naman ang nakakatuwa sa showbiz, pagdating ng oras ng pangangailangan, nagtutulungan talaga sila.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Maraming nagpaparating ng tulong
Bella Flores, wala pa ring malay sa ospital

Leave a Reply

Your email address will not be published.