Marahas na Demolisyon: 5 Sugatan; 13 Sekyu, Kalaboso

LIMA ANG sugatan sa marahas na demolisyon sa Block 7, San Roque, Tarlac City bandang alas-10 ng umaga kamakalawa.

Nadaplisan ng tama ng bala ng baril si Ariel Valdez at apat na iba pang residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Valdez, ipinadala ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan ang mga security guard upang puwersahan umano silang paalisin sa kanilang tahanan.

Dito na umano sumiklab ang matinding tensyon, dahilan para magpaputok ang mga sekyu.

Nakita rin umano ng nagngangalang Bryan Buscayno, empleyado ng kapitolyo ang naganap na kaguluhan.

Samantala, depensa naman ng mga security guard, unang nanggulo ang mga residente. Pinagbabato umano sila ng mga bote at warning shot lang ang ginawa nilang pagpapaputok.

Ayon sa mga kinauukulan, na-i-turn-over na ng sheriff kay Danilo Junio ang karapatan sa lupa kaya’t may kapangyarihan umano ang may-ari na ipa-demolish ang mga bahay anumang oras.

Gayunman, hindi pa rin abswelto ang mga nasabing sekyu, sabi ng Tarlac Police. Isinailalim na rin sa paraffin test ang 13 security guard para sa pagsisiyasat.

Nakahanda umanong magsampa ng kaukulang kaso ang mga residente laban sa 13 sekyu. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.