Mara Clara stars Kathryn Bernardo and Julia Montes will soon have a launching movie

WALA NANG MAKAKAPIGIL pa sa launching movie ng Mara Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Isasalang na sila sa isang mas matindi pang hamon sa kanilang acting career. According to reports, they will start shooting a new movie sometime this April, and it will be directed by box-office director Cathy Garcia-Molina.

Sina Kathryn at Julia na nga kaya ang mga susunod sa yapak nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes who originally portrayed the roles of Mara and Clara, respectively? Mara Clara made Juday and Gladys as well as their characters household names. At sa bagong pelikula nina Kathryn at Julia, sino kaya sa kanila ang magiging bida, ang kontrabida, ang iiyak at magpapaiyak? Sana ay maging katulad nina Juday at Gladys sina Kathryn at Julia na sa kabila ng kanilang pagiging mortal na magkaaway onscreen which was first seen on Mara Clara (June 22, 1992 to February 14, 1997) ay mag-best friends sa totoong buhay.

Ayon sa abs-cbnNEWS.com, sinabi raw ni Julia sa ginanap nilang story conference na excited na siya sa kanilang new project. “Kami ni Kathryn sobrang nagpapasalamat dahil nagbunga po ‘yung hardwork ng buong team ng Mara Clara. Although mas malaki ang expectations ng tao kasi movie na ito, so may pressure. Pero mas nangingibabaw iyong gratitude and excitement namin.”

Before starring as lead stars on Mara Clara ay nahasa na sa kanilang pag-arte sina Kathryn at Julia dahil sa mga teleseryes na ginawa nila sa ABS-CBN. Kathryn previously appeared on It Might Be You, Krystala, Vietnam Rose, Gulong ng Palad, Super Inggo, Pangarap na Bituin, Prinsesa ng Banyera and Magkaribal samantalang si Julia naman ay nasa Ligaw na Bulaklak at Hiram.

Hindi naman matatawaran ang husay ni Direk Cathy sa pagdidirek ng mga de-kalibreng pelikula gaya ng Bcuz of U, Close To You, You Are the One, You Got Me, One More Chance, A Very Special Love, My Only U, You Changed My Life, Miss You Like Crazy, at My Amnesia Girl na pawang mga naging blockbusters sa takilya at ang top-rating teleserye na Lobo na tinutukan gabi-gabi ng mga manonood.

Halos lahat din ng mga A-listers sa local showbiz ay naidirek na ni Direk Cathy. Patunay rito sina Piolo Pascual, Angel Locsin, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Sarah Geronimo, at Vhong Navarro.

Kaya magdududa ka pa ba kung papatok din sa takilya ang pelikulang pagbibidahan nina Kathryn at Julia?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

25 thoughts on “Mara Clara stars Kathryn Bernardo and Julia Montes will soon have a launching movie

  1. SUSME NAMAN, PAGKATAPOS NG SUPER FLOP NG MOVIE NILA NA “WAY BACK HOME” NA UNTIL NOW AY HINDI PA NAKAKAUWI AY MAY LAUNCHING MOVIE PA?…….WHAT???????????????????????????????PLEASE LANG KUNG IPAPALABAS ANG SUREBALL FLOP NA MOVIE NA ITO KUNG ANO MAN ITO AY SANA SA MGA SINE LANG SA STA.CRUZ AT QUIAPO IPALABAS ITO………PARA INSPIRED NAMAN YUNG MGA BADING SA SINEHAN HABANG NAGHAHANAP NG PAPA SA LOOB NG SINEHAN……………HAHAHAHAHA…………TRYING HARD NAMAN KASI ITONG DALAWANG BAGETS NA ITO………..HAHAHAHAHA

  2. Gustong gusto ko nang makita si ate kathryn bernardo at si ate julia montes sa personal na mukha at sana
    maging bestfriend ko silang dalawa ni ate julia at ni ate kathryn ate julia at ate kathryn pwede po bang makuha yung address niyo diyaan sa lugar niyo diyaan sa inyong tinitirahan
    plzzzzzzzzzz lang po;-(.

  3. hindi ko talaga to papalampasin ang sineng ito manonood talaga ako
    sino kaya ang ka love teams ni Kathyrn at ni Julia
    Good Luk sa movie :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.