Mara at Clara, World Class Na!

TIYAK NA IKATUTUWA ng mga tagahanga ng top-rating primetime soap na Mara Clara ng ABS-CBN ang pagkakasungkit nito ng nominasyon sa darating na 2011 BANFF World TV Awards o mas kilala rin sa tawag na ‘The Rockies’. Nominado sa kategoryang Best Soap Operas and Telenovelas ang primetime series na ito ng Dos na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes na dating ginampanan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Ayon sa website na www.banffmediafestival.com, ang Rockies ay internationally-recognized awards program celebrating the very best in international television and digital media production. Taray! Talbog na naman ang iba riyan, haha! Makakalaban ng Mara Clara sa Best Soap Operas and Telenovelas ang Bread, Love and Dream ng South Korea o mas kilala rito sa ‘Pinas bilang The Baker King na kasalukuyang

umeere sa GMA-7 na pinagbibidahan ng Korean heartthrob na si Papa Yoon Shi Yoon. Naku, pareho pa namang top-ratings ang dalawang palabas kaya nakaka-excite kung alin dito ang mananalo. Ang winners ng 2011 Rockies ay ia-announce sa pamamagitan ng awards ceremony na gaganapin sa June 12 sa AOL Canada Theatre. Kakaloka talaga, world class na sina Mara at Clara, he-he! kaya proud to be Pinoy mga Kaparazzi. Tsuk!

Photos by  Mark Atienza and Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Mara at Clara, World Class Na!

  1. hahahahahahahahhaa…kung naabangan nyo lang ang baker king…it changed my life…PROMISE! shit ang mara clara na yan..SHIT!

Leave a Reply

Your email address will not be published.