Mar Roxas and Korina Sanchez uses Wowowee for Politics?

GUSTO KO SANANG kiligin sa lantarang pag-amin nina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas na ‘oo, sila na nga.’ With matching tears pa from the senator at pagpunas ng luha niya ni Korina. Tagahanga kasi ako ng matapang na broadcaster.

Mula ulo hanggang paa, bow ako sa kanya kapag pinapanood sa TV at bumibira ng mga salaulang pulitiko.

But watching them on Wowowee, lalo’t kumakain ako ng tanghalian, nakaramdam ang inyong lingkod ng lungkot. Pati pagkain, hindi ko na itinuloy. Ang naramdaman ko ay isinaboses ng sangkatutak na kaibigan na tumawag sa atin.

Masagwa raw ang ginawa nila on TV. Parang hindi sila sina Korina at Sen. Mar. “Ano ba ang akala nila sa sarili, sina Kim Chui at Gerald Anderson?”

And I agree!

Pagmumurang-kamyas din ang eksena nina Ms. Gloria Romero at Eddie Garcia sa indie movie na Fuschia na ipinalabas na sa Teatrino noong Biyernes.

Hinahabol-habol ni Eddie at kinukurot-kurot sa puwet ang dating Reyna ng Pelikulang Pilipino. Pero, hindi nandiri sa kanila ang manonood. Pinalakpakan pa sila sa halip na laitin.

Pelikula kasi iyon. Umarte lang sila. At magagaling silang artista.

Iyon ang malaking kaibahan nina Korina at Sen.Mar. Totoong buhay kasi ang ipinakita nila sa buong mundo, ‘ika nga ni Willie Revillame. Magiging First Lady pa naman si Korina at Presidente ng ‘Pinas si Mar kung saka-sakali. Sa edad nilang iyon?

Masagwa nga!

Panoorin ang segment ng Wowowee dito:

by Chit Ramos

loading...

7 thoughts on “Mar Roxas and Korina Sanchez uses Wowowee for Politics?

  1. grabe ito. ni sa hinagap diko akalaing magagawa ni korina ang pumayag sa lantarang panggagamit sa kanya ni mar. oh well, mukhang kating-kati din atang maging perslady ang newsreporter.

  2. Well, ano pa nga ba ang masasabi dito, desperate move from a couple who desperately want to be the first couple (president and first lady) of the Philippines. Tasteless, so tasteless!!!!!!

  3. I think Mar and Korina are TOO OLD to act that way. Halatang ginagamit ang wedding na GIMMICK para sa campaign ni Mar. Of all shows why Wowowee, which is not even a TALK SHOW ? Obviously they just want to gain media mileage. Pati ba naman pagpapakasal ginagamit sa pagkampanya !

  4. Nawalan din ako ng gana sa balitang pakakasalan na ni Mar si Korina. Bakit ngayon lang eh napakatagal na nilang magsyota. Dapat noon pa kasi pareho naman silang may edad na. Para tuloy gnagamit lang ni Mar si Koring para sa kandidatura niya. Pero sa halip na makatulong, palagay ko eh makakasira pa. Kasi gusto ko rin si Mar pero ayoko siyang iboto dahil pag naging President siya, malamang na madaming pabor na ibibigay yan sa abs-cbn.

  5. tita chit….napanood ko nga ang video at kilig to death talaga ako…para nga silang mga teenager eh pero intindihin mo nalang ganyan talaga ang masyadong in love parang nasa cloud 9.
    Diba the only thing that best destroy the person is love? katulad ng mga babae nasira ang dangal nang ma inlove at mabuntis or magpalaglag…if you know what i mean.
    For Mar naman being the next president of the Philippines, at si korina na reputable journalist/broadcaster, dito nadumihan ang pagkatao nila but people who are madly in love can relate and understand them

Leave a Reply

Your email address will not be published.