Mapayapang school opening sisiguruhin ng DepEd

SINIGURO NG PAMUNUAN ng Department of Education (DepEd) na magiging tahimik, mapayapa at maayos ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 6 matapos na buksan nila ang kanilang hotline na maaaring tawagan ng publiko sakaling mayroong aberya.

Nagtayo rin ng command center ang DepEd sa kanilang headquarters sa Pasig City na maaaring puntahan ng mga magulang at mag-aaral para magreklamo sa ano mang darating na problema sa kanila hinggil sa class opening ng year 2011-2012.

Sa ipinalabas na advisory ng DepEd, sinasabing mula sa Mayo 30 hanggang Hunyo 11 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi ay bukas ang kanilang mga hotline at command center.

Maaari umanong magreklamo ang sino man na nakaranas ng hindi maka-taong pagtrato sa kanila ng mga guro, principal at iba pang school official hinggil sa ginaganap na enrollment.

Ayon pa sa kagawaran, maging ang  paniningil sa mga estudyante ng anumang man bayarin ay maaari ring ireklamo sa DepEd hotline at command center.

Ang mga mayroong problema ay maaaring tumawag sa mga sumusunod na telepono 636-1663, 633-1942, 634-0222, 636-4880, 635-0552, 637-4211,  635-6550, 638-7529, 635-9817, 638-7530, 637-3743 o kaya’y ang 24 na oras na DepEd Text Messaging Service: 0919-4560027.         (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mapayapang school opening sisiguruhin ng DepEd

  1. gus2 ko ireklamo ang prof. ko..bnigyan nya ko ng grde na inc.! where in nde ako dpat inc.. lated dw magpasa eh ako ang una nagpasa nun.. tpos pnapagwa nya kmi ng pang exam pra sa su2nod na batch…un daw ang pang completion.. tpos pag pnapachekan sa knya lge pang pnapaulit.. how unfair!!! dko alm kng pno ako mka2kuha ng grade sa eng.. im a collge student majoring na po.. help…

Leave a Reply

Your email address will not be published.