Mapatingkad kaya ang career? Sarah Lahbati, magpapaka-palaka!

 

MASAYANG-MASAYA NGAYON ang Starstruck 5 Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati dahil nabigyan na rin siya ng lead role sa isang bagong drama series. Ang young actress ang napiling maging bida sa TV remake ng pelikulang Kokak na ginampanan noon ni Rachel Lobangco. Ito ay kuwento ng isang babae na sinumpa na maging isang palaka. Isa nang birthday gift ito para kay Sarah na sa wakas ay dumating rin ang hinahangad niyang big break. May nakapagbulong din sa amin na inspired daw ang hitad dahil sa mga umaali-aligid daw na suitors? Sina Martin Escudero at Derrick Monasterio raw ang mga nasabing boylet na inili-link ngayon sa kanya. Taray! Teka, balik tayo sa pagbibidahang serye ng dalaga, mapatingkad kaya ang kanyang career kapag ginampanan na niya ang role bilang palakang kokak? Hehe! Abangan! Hanggang ngayon eh, hindi pa rin daw maka-get-over ang loka? Tingnan nga natin!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Mapatingkad kaya ang career? Sarah Lahbati, magpapaka-palaka!

  1. Sarah Lahbati deserves the big break from GMA. After 2 years of staying and waiting for the big break, at last… THIS IS IT!

    I trust Sarah Lahbati and I believe on her talent kasi napaka-versatile nya. Bida/kontrabida sa Little Star, kontrabida sa TOML at for sure, kayang-kaya nyang magbida this time! Go Sarah Lahbati :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.