Manyakis na Tatay, Dinaliri ang Anak

SWAK SA kulungan ang isang manyakis na tatay matapos ireklamo ng pagdaliri sa anak na dalaginding sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Rape si Poperio Nolasco, 48 ng A. Mabini St., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang 12-anyos, alas-9 ng gabi nang daliriin ng suspek ang ari ng anak sa loob ng kanilang bahay.

Natigil lang ang ginagawa ng suspek nang makita sila ng ate ng biktima.

Nagsumbong ang ate sa kanilang nanay at lola na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

Nabatid na matagal nang dinadaliri ng suspek ang biktima at hindi makapagsumbong ang dalaginding dahil sa takot sa tatay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.