Manyakis na helper, minasaker ang pamilya ng amo

HINDI NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang apat na miyembro ng pamilya, kabilang ang isang buwan na sanggol habang kritikal ang isa pa, nang pagsasaksakin ng kani-lang boy kung saan patay rin ang suspek sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Hannah  Castro, 15; Samuel Castro, 6; at hindi pa kilalang 1 buwan sanggol, na pawang taga-Saint Jude Subd., Malinta ng lungsod.

Namatay naman habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib ang inang si Berna Castro, 36, ng nasabing lugar.

Inoobserbahan naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Joshua Castro, 12, ng nasabing lugar.

Namatay naman habang ginagamot sa VGH ang suspek na si Jeffrey Torla, 27 at stay-in boy ng mga Castro.

Nabatid na, alas-12:45 ng umaga, nakita ni Joshua ang suspek na hinahalay ang ina na naging dahilan upang saklolohan subalit may dalang patalim si Torla na agad na pinagsasaksak ang lahat ng lalapit.

Kahit sugatan ay nagawang makalabas ng bahay ni Joshua at makapagsumbong sa mga pulis.

Nang respondehan ay patay na ang tatlo, kung saan may saksak din ang suspek na naging dahilan upang dalhin sa nasabing ospital.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.