Manyak, Nagparaos sa Dalagitang Kapit-bahay

SWAK SA kulungan ang isang binata matapos halayin ang kapit-bahay na dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Rape in relation to Child Abuse si Jeysei Bernales, 19, ng Torcillo St., Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng umaga, naglalakad ang biktimang edad 17 sa Torcillo St., nang tutukan ng patalim ng suspek.

Hinatak ng suspek ang biktima sa loob ng bahay ng una at doon ay nagawang mahalay.

Nang makaraos ay pinauwi na ang dalaga subalit kamakalawa ng hapon ay nagsumbong ang huli sa kanyang lola na naging dahilan upang damputin si Bernales.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.