Manyak na traffic enforcer, hinahanap na

PINAGHAHANAP ANG ISANG traffic enforcer matapos ireklamo ng isang dalaga nang lamasin ang dibdib at ikiskis ang ari ng una sa puwet ng huli sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang pinagha-hanap na si Erick Mondido, nasa hustong gulang ng Malabon Public Safety and Traffic Management Office at residente ng F. Sevilla, San Agustin ng lungsod.

Sa reklamo ng biktimang nagpatago sa pangalang Cherrie, 22, alas-6 ng gabi, kainuman ng kanyang kuya ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Gen. Luna, Hulong Duhat ng lungsod habang ang dalaga ay nakikipag-chat naman sa loob ng kanyang kuwarto.

Nagulat ang biktima nang pumasok sa kuwarto ang suspek sabay yakap sa dalaga.

Napatayo ang dalaga at nagpapalag subalit nilamas naman ng suspek ang dibdib ng biktima bago ikiniskis ang ari sa puwet ng una.

Nagmamakaawa ang biktima na bitawan siya ng suspek hanggang sa marinig ng huli ang boses ng ate ng una na tinatawag ang kanilang kuya.

Agad na kumalas ang suspek at umalis na ng bahay habang nagsumbong naman ang dalaga sa kanyang mga kapatid na naging dahilan upang magreklamo sa mga pulis.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.