Manyak na Pulis, Kinasuhan ng Rape

NASA HOT water ngayon ang isang police officer 3 makaraang ireklamo ng pangagahasa ng kanyang naging biktima sa isang motel.

Sa ulat na nakarating sa Campo General Alejo Santos, kinilala ang suspek na si PO3 Eduard Occena Y Salongo, nasa hustong gulang, nakatalaga sa nabanggit na bayan, samantalang ang biktima naman ay nakilang si Joana Mendez 28, may-asawa, residente ng Brgy. Tibagan, San Miguel, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), nag-text umano ang suspek sa biktima na magkita sila dahil sasabihin nito ang nilalaman ng kanyang subpoena noong Nobyembre 13 2012.

Nabatid na isinakay ng suspek ang biktima sa kanyang motorsiklo, kung saan nagtungo ang dalawa sa isang motel sa bayan ng San ildefonso, kung saan dito’y sapilitan umano siyang ipinasok sa isang kuwarto habang nakatutok umano ang baril. Dahil sa tindi ng takot wala na itong nagawa pa.

Ayon sa suspek, dadalhin siya nito sa Ilocos sa bahay ng kanyang mga kamag-anak upang doon muna manatili. Nobyembre 15, dakong alas-5 ng umaga nang sapilitan siyang isakay ng motorsiklo. Aniya, pagsapit nila sa Dau, Mabalacat,  Pampanga, agad siyang tumalon mula sa motorsiklo at tumakbo papalayo at agad na tinawagan ang kanyang asawa.

Agad namang rumesponde ang kanyang mister, kasama ang ilang pulis, su-balit hindi na nila inabutan ang suspek. Dahil dito, agad na sinampahan ng kasong rape ang naturang pulis.

(TONY DELA PEÑA)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.