Manyak na pasahero, kulong sa pagdukot ng suso

KALABOSO ANG isang lalaki, makaraang ireklamo ng isang 2nd year college student ng La Consolacion University matapos itong dukutin ang kanyang suso habang nasa loob ng pampasaherong jeep sa Brgy.Mojon, Malolos City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Ernesto Cruz hepe ng Provincial Investigation Detection and Management Branch kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinila ang nadakip na suspek na si Jessie Sta. Ana Y Arcega, 29 anyos, may-asawa, residente ng # 07 Pulo, Brgy. Calero; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Joyce, 18 anyos, ng Brgy, Paltao sa bayan ng Pulilan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO2 Marlon Calderon,lulan din siya ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Sergio Vidal, dakong alas-7 ng umaga, at papasok sa eskuwelahan ang biktma nang maganap ang insidente.

Nabatid na magkatabi sa upuan ang suspek at ang dalaga nang bigla na lamang umanong ipinasok ng suspek ang kamay nito sa loob ng uniform blouse nito sabay hawak ng malusog nitong dibdib.

Tinangka pang tumakas ng suspek, subalit agad itong nadampot ng pasaherong pulis, kung saan natulala ang dalaga sa pangyayari, at umiyak na lamang.

Samantala, kasong Acts

of Lasciviouness ang isasampa laban sa suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.