Manyak na obrero, ‘di pumasa kay titser

SHOOT SA KULUNGAN ang isang construction worker matapos nitong tangkaing gahasain ang isang guro habang ang huli ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Attempted Rape sa piskalya ng Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na nakilalang si Ruel Flores, 21, binata ng No. 235 Magdalena II, Brgy. 172, Caloocan City.

Base sa report ng Women’s and Children’s Protections Desk (WCPD) Caloocan Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Ilang-Ilang St., Hillcrest Village, Brgy. 173, Caloocan City.

Sa reklamo ng biktimang si Michelle Ann Bautista, 25, dalaga, licensed teacher, ng # 98 Sta. Cruz Comp., Congress Village, Brgy. 173, Caloocan City, naglakad siya pauwi sa kanilang bahay nang mapadaan ito sa madilim na bahagi ng naturang lugar nang bigla na lang lumutang sa kanyang likura ang suspek at niyakap siya.

Sabay tinakpan ang kanyang bibig ng suspek at hinila ito sa damuhan saka pinaglalamas ang maseselang bahagi ng kanyang katawan, dito nagpupumiglas ang biktima at nagsisigaw at humingi ng tulong.

Isang Mark Anthony Sabuc, ang napadaan at narinig nito ang boses ng babae na sumisigaw at humihingi ng tulong, at ng kanyang alamin ay nakita niyang sapilitang ginagahasa si Bautista.

Agad na humingi ng tulong si Sabuc sa mga barangay tanod na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.  (MARY H.

SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.