Manyak na Mister, Nangmolestiya ng 7-Anyos na Nene

KULONG ANG mister matapos molestiyahin ang isang nene na naging bisita ng kumpare ng una na nakatulog sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Rodante Saranta, 59, ng Pasig St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, alas-5 ng hapon, nagpunta sa kanyang kumpare sa L. Lupa St., Maypajo ng lungsod ang suspek at naabutan ang neneng 7 taon na bisita rin at natutulog sa loob ng bahay.

Nilapitan ng suspek ang bata bago ipinasok ang daliri sa ari ng nene na nagising at nag-iiyak na nakatawag ng pansin sa mga kapit-bahay.

Nang malaman ang ginawa ng suspek ay mabilis na tumawag ng mga barangay tanod at ipinadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.