Manyak na Kunlong sa Pandadakot ng Dibdib

SWAK SA KULUNGAN ang isang manyakis na kelot nang dakutin nito ang dibdib ng 14-anyos na dalagita makaraang madaanan ito ng huli na nagma-masturbate sa daan kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 at Unjust Vexation ang suspek na si Raymond Yee, 27, binata, ng Block 2, Lot 4, Area 2, North Bay Boulevard South, Navotas City.

Sa ulat na ipinara-ting kay SP01 Arlene Alvero, hepe ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Navotas Police, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Apahap St., cor., Bangus St., NBBS ng nasabing lungsod.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Joanna (di-tunay na pangalan), 14, naglalakad siya sa naturang lugar kasama ang kaibigan nang madaanan ng mga ito ang suspek.

“Tinawag po niya ako, paglingon ko nakita ko na nagbabat* (masturbate) tapos sabi sa akin, ‘Umiinom ka ng malapot na tam*d?’. Tapos po nilapitan ako at dinakot ang dibdib ko,” ani pa ni Joanna.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip kay Yee.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.