Manyak na holdaper, tiklo sa text

SWAK SA KULUNGAN ang isang rapist/holdaper matapos gawing ka-text mate ang kaibigan ng biniktimang dalagita gamit ang cellphone ng huli sa Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si Restituto Sarabia, 33 ng Ilang-Ilang St., Maysan ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 17 at kalugar ng suspek, noong January 15, 2011, alas-11 ng gabi, naglalakad siya sa Ilang-Ilang St., nang harangin ni Sarabia at tutukan ng patalim.

Kinaladkad ng suspek ang dalagita sa isang madilim na bahagi ng Ilang-Ilang St., at doon nagawang pagsamantalahan.

Kinuha pa ng suspek ang cellphone ng biktima at pinagbantaang papatayin ang dalagita kapag nagsumbong.

Kinabukasan, ginamit ng suspek ang cellphone at SIM card ng dalagita at tinext ang isang kaibi-gang babae ng biktima at sinabing magkita sila sa Caloocan City.

Nang malaman ng kaibigan ng biktima ang nangyari sa dalagita, tumulong ito sa mga pulis at nakipagkasundo sa suspek na magkita sa harap ng Manila Central Universtiy sa EDSA, Caloocan City.

Kamakalawa ng hapon, sinamahan ng mga pulis ang biktima at kaibigan nito at nang lumutang ang suspek ay agad na dinamba at dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.