Manyak na holdaper, kalaboso

PURI AT PERA ang natangay sa isang dalaga ng isang miyembro ng Batang City Jail sa Valenzuela City.

Nadakip naman ang suspek na si Cristino Espino, 28 ng F. Feliciano St., Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi noong February 3, 2011, naglalakad ang biktimang edad 20 ng Balante St., Ugong ng lungsod nang salubungin at tutukan ng balisong ng suspek.

Kinuha ng suspek ang P120 ng biktima subalit hindi pa nasiyahan ang una at kinaladkad ang dalaga sa isang bakanteng lote at doon hinalay.

Nang makaraos ay umalis na ang suspek at nagpunta naman sa pre-sinto ang biktima upang magreklamo.

Kamakalawa ng tang-hali ay nadakip ang suspek sa pinagtataguan nito malapit sa kanilang bahay. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.