Manyak na holdaper, kalaboso

KULUNGAN ANG KINABAGSAKAN ng isang manyak na holdaper matapos mahuli ng mga awtoridad nang paghihipuan nito habang hinoholdap ang isang kahera kamakalawa ng tanghali sa Malabon City.

Nakapiit ngayon sa detention cell at nahaharap sa kasong Robbery Hold-up sa piskalya ng Malabon-Navotas Prosecutor’s office ang suspek na si Darwin Dioneda, 32, binata, ng Riverside, Inda Maria St., Bgy. Potrero, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:50 ng tang-hali nang maganap ang insidente sa Mc Arthur Hi-way cor. Chico Road, Bgy. Potrero Malabon City.

Base sa reklamo ng biktimang si Connie Calisay, 25, dalaga, kahera, ng #17 B-4 Chico Road Bgy. Potrero, Malabon City, kasalukuyan itong nag-aabang ng masasakyang pampasaherong jeep patungong Monumento, Caloocan City.

Habang nakatayo ay bigla na lamang sumulpot ang suspek sa kanyang likuran at tinutukan ng kutsilyo sabay deklara ng hold-up at habang nakatutok ay pinaghihimas muna ng una ang hita nito at iba’t ibang parte ng katawan, sabay kuha ng handbag nito na naglalaman ng pera na halagang P700.00, Samsung Corby cellularphone na nagkakahalaga ng P5,000.00, East West Bank credit card, ATM card, saka tumakas ang suspek.

Dahil dito, nagsisigaw ang biktima at humingi ng tulong kung saan hindi na nagawang makalayo ng suspek ng maharang ito ng mga rumespondeng pulis at nabawi ang mga kinuha nito mula sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.