Manyak na holdaper, dakip

NADAKIP ANG ISANG binata matapos holdapin at lamasin ang dibdibd ng isang dalaga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Jon-Jon Minoza, 23 ng Doña Anna, Camarin ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Jovelyn Abragan, 22, ng Pangarap Village, Caloocan City , alas-7:30 ng gabi, naglalakad siya malapit sa kanilang bahay nang lapitan ng suspek at tutukan ng patalim sa leeg.

Kinuha ng suspek ang P150 cash na nasa bag ng biktima bago pinaglalamas ang dibdib ng dalaga.

Nagsisigaw ang biktima na narinig ng mga nagrorondang tanod na naging dahilan upang habulin at madakip ang papatakas ng suspek. (Lira Pineda)

loading...

One thought on “Manyak na holdaper, dakip

Leave a Reply

Your email address will not be published.