Manyak na BF, ‘di nakatiis; GF, ni-rape

BALIUAG, BULACAN – DAHIL sa matinding pagnanasa hindi nakatiis ang isang 19 anyos na binata na gahasain ang kanyang girlfriend matapos ipakilala sa kanyang mga magulang sa Brgy.Tibag sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H.Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Edward Rafael Y Balberan, residente sa nabanggit na barangay, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Violy (‘di tunay na pangalan), 17 anyos.

Base sa paunang imbestigasyon ni SPO1 Charito de Leon, Women’s Desk Officer, naganap ang panghahalay sa biktima nito lamang Agosto 7, 2011.

Sa sinumpaang salaysay ng dalagita, sumama siya sa bahay ng kanyang boyfriend, kung saan ipinakilala ito sa mga magulang ng suspek. Makalipas ang ilang minuto, bigla na lang siyang hinila sa kuwarto ng binata, kung saan pilit siyang hinubaran ng saplot sa katawan,habang nagmamakaawa ito na huwag nitong ituloy ang kanyang binabalak,subalit hindi umano siya pinansin ng binata. Sa huli, binataan siyang ihuhulog sa ilog,kapag hindi ito tumigil sa kaiiyak.

Aniya, muli siyang nakiusap, subalit tinutukan siya ng kutsilyo sa katawan habang pilit na ipinasok ang kanyang matigas na ari sa kanyang puwerta, kung saan dalawang beses umano siyang ni-rape ng suspek ,una’y alas-11:30 at muli itong nasundan ng alas-12:30 ng gabi sa parehong pamamaraan, kung saan tinakpan ang kanyang bibig habang hawak ang patalim.

Idinagdag pa ng biktima, na sa ikatlong pagkakataon, muli na naman siyang gagahasain sa loob naman ng kanilang sariling ta-hanan, subalit napigil ito nang mahuli ito sa akto ng ama ng biktima dahilan upang agad na madakip ang binata.

Ayon naman sa laboratory examination ni P/Inspector Edith Martinez ng SOCO,lumilitaw na positibong ginahasa ang dalagita dahil sa nagkaroon umano ng bahagyang sugat sa pagkababae nito na isang indikasyon na may matigas na bagay na pumasok dito.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Baliuag Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Rape in Relation to Republic Act 7610.        (TONY DELA PEÑA)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.