Manyak na ama, ginawang parausan ang anak

PINAGHAHANAP NGAYON NG mga awtoridad ang isang ama ng tahanan makaraang gawin nitong parausan ang kanyang 8-taong gulang na anak, iniulat kahapon ng umaga sa Navotas City.

Ang suspek n asi Ernesto Dayao, nasa hustong gulang, driver, ng 1284 Paltok St., Brgy. Daanghari, Navotas City ay nahaharap sa kasong 3 counts of Statutory Rape sa piskalya ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office.

Sa ulat na ipinadala ni SPO1 Belany Dizon, may hawak ng kaso kay SPO1 Arlene Alvero, hepe ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Navotas Police, dakong alas-10 ng umaga nang dumulog sa kanilang tanggapan ang ina ng biktima upang pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Base sa reklamo ng biktimang si Joanna (di-tunay na pangalan), 8, nagsimula ang kahalayan sa kanya ng suspek (ama) noong buwan ng July 2010 at nitong huli ay Oktubre 2011 ng magkakaibang araw.

“Sa tuwing wala po ang nanay ko, pinapasok niya po ako sa kuwarto tapos pina-pahiga po at hinahalikan niya  ako pati ang ari ko at ganu’n din po kinikiskis niya ang ari sa pipi ko, pagkatapos po tinatakot ako kapag magsumbong ako sa mama ko,” kuwento ni Joanna.

Ayon naman sa ina ng biktima, nagtataka siya sa kanyang anak na kapag nakakakita ng lalaking naghuhubad sa kanyang harapan ay tumatakbo ito at takot na takot.

Dito, kanyang kinausap nang masinsinan ang anak at tinanong kung bakit natatakot ito sa tuwing nakakakita ng lalaking naghuhubad ng damit pang-itaas hanggang sa mapaamin nito ang ginagawang kababuyan sa kanya ng sariling ama.

Agad namang nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang ina at sinamahan ang anak nito para pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek na kasalukuyang nakapuga.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.