Manyak na ama, dinaliri ang 2 anak

 

SWAK SA KULUNGAN ang isang mister nang ipakulong ito ng asawa matapos molestiyahin ang dalawang sariling anak na pawang menor de edad, iniulat kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Statutory Rape ang suspek na si Christopher Demate, 36, ng North Bay Boulevard South (NBBS.

Sinamahan naman ng ina ang kanyang mga anak sa pulisya na sina Karen, 12; at Gina, 5, para pormal na magsampa ng reklamo laban sa kanilang ama (suspek).

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), unang naganap ang insidente kay Karen noong July 2007, samantalang nitong nakaraang buwan ng July 2011 naman kay Gina.

Ayon sa mga biktima, tinatakot sila ng suspek na papatayin sila kapag nagsumbong sa kanilang ina subalit nitong huli ay nagtatangka na naman silang galawin ng ama (suspek) kung kaya’t naglakas-loob na silang magsumbong sa kani-lang nanay.

“Sa tuwing wala po si Nanay ay hinuhubaran ako ni Papa (suspek) tapos pinapasok ang kanyang daliri sa ari ko”, ani pa ng mga bata (biktima).

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa mga barangay ta-nod ang ina ng mga biktima na naging dahilan ng pagkakada-kip sa suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.