Manyak, kulong sa paglamas ng dibdib

KULUNGAN ANG KINABAGSAKAN ng isang manyak matapos ireklamo ng isang dalaga nang lamasin ng una ang dibdib ng huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Andrew Nangsang, 54, ng Corbito St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) Caloocan police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa #517 Talipapa cor. F. Aguilar St., Brgy. 39, Bagong Barrio.

Sa reklamo ng biktimang si Jessa Faculza, 21, ng nasabi rin lugar, naglalakad ito nang makasalubong ang suspek na amoy ng alak at paglapit nito sa kanya ay bigla na lamang siyang niyakap at pinaglalamas ang kanyang dibdib.

Agad naman itong nakatawag ng pansin sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.