Manyak, Ipinahamak ng Mabahong Amoy

NAUDLOT ANG GAGAWIN sanang panghahalay ng isang pedicab driver sa asawa ng security guard na kumupkop sa kanya nang malanghap ng ginang ang mabahong amoy na nagmumula sa katawan ng suspek sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Gregorio Tongco de Jesus, 30, at pansamantalang nanunuluyan sa 36 Interior North Bay Blvd. North ng nasabing lungsod.

Agad namang nagsampa ng kaukulang kaso sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Dora, 24, at naninirahan din sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa naging salaysay ng biktima sa mga awtoridad, kasalukuyang itong nagpapahinga sa loob ng kanyang kuwarto kasama ang dalawang anak nang maramdaman nito na may humahawak sa kanyang hita at iba pang maseselang parte ng katawan.

Inakala ng biktima na ang kanyang asawang security guard ang humihimas sa kanya kaya’t pinabayaan ito ng ginang, ngunit nang makalanghap ng masangsang na amoy si Dora, agad itong naghinala na ibang tao ang humihimas sa kanya.

Agad na tumayo ang ginang upang buksan ang ilaw at sa pagkakataong iyon, nakita niya ang suspek na papalabas na ng kanilang kuwarto, kaya’t agad na nagtungo ang ginang sa barangay hall upang ireklamo ang pedicab driver na nagresulta sa agaran nitong pagkakadakip.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.