Many people are still not happy with Willie Revillame’s TV comeback!

 

BLIND ITEM: NAKO, sino itong young actress na buntis daw? Pero bago pa lumobo ang tiyan (ewan namin kung nakaalis na o nandito pa, ha?) ay nakatakda nang lumipad patungong US kung saan titira muna siya hanggang sa makapanganak sa daddy niya.

Sabi nga namin sa aming source, ba’t kailangang itago eh, lalabas din naman ‘yan balang-araw? Mas magandang aminin na ngayon at tiyak na hahanga pa sa kanya ang mga tao.

Ginawa mo, eh ‘di panindigan mo, ‘di ba? Teka, sino ba ang dyowa nito ngayon? Sana, panindigan ng lalaki ang kanyang ginawa. It’s a blessing, kaya ‘wag ikalungkot.

Meron nga kaming kilalang aktres, nagbuntis hanggang sa makapa-nganak, hindi pa rin niya maamin sa mga reporter na siya’y nanay na, kaya hindi niya tuloy ma-enjoy ang kanyang pagiging ina.

Kaya ‘wag na kayong manghi-hingi ng clue kung sino ito, dahil in fairness, gusto namin ang PR ng batang ito. Mukhang prinsesa, pero very down-to-earth.

 

ANG DAMING NAGTATANONG sa amin kung ano ang opinyon namin sa “pagtatalak” ni Richard Gutierrez sa isang MMDA enforcer na nakahuli sa driver nitong ang violation ay overspeeding.

Honestly, mahirap magmaldita ng opinyon kung wala talaga kaming knowledge tungkol dito. Ang nalalaman lang namin ay nakakatuwang ang magkapatid na Ruffa at Raymond ay idinedepensa ang kanilang kapatid (which is but normal) sa twitter.

‘Wag daw husgahan ang kanilang kapatid, dahil hindi naman si Richard ang nahuli, kungdi ang driver nito. Lumalabas kasi na tila OA daw na pinagagalitan ni Richard ang MMDA enforcer.

May nagsabi naman sa amin na, “Totoong uminit ang ulo ni Richard, dahil hindi yata nakuha sa pakiusap ‘yung enforcer.  Eh, mali naman niya talaga ‘yan, eh.

“Hindi naman porke artista ka, eh aasta ka nang parang siga, ‘di ba? Eh, bakit ba namatay sa aksidente ‘yung PA niyang si Norman? ‘Di ba, overspeeding din ‘yon?”

Oh, well… lumalayo na ang isyu. Basta ang importante, wala namang problemang hindi nareresolba, eh. Kahit hindi kami feel ni Richard eh, hindi para husgahan namin siya.

Basta kami ay natutuwa dahil one for all and all for one ang Pamilya Gutierrez ‘pag ang isa ay nalalagay sa alanganin.

 

BAKA ISIPIN NG iba, galit kami kay Willie Revillame, ha? Hindi po. Hindi lang kami nagkikita o hindi natitiyempuhang kami ay nagkikita.

Pero kami ay natutuwa sa kanyang pagbabalik, dahil totoo namang ang dami ring nakaka-miss kay Willie, lalo na ‘yung mga taga-hanga niyang masa.

Sa pagbabalik ni Willie sa Wil Time, Big Time ay aware pa rin naman siguro si Willie na parang ang daming hindi pabor. Lalo na sa Twitter.

Pero hindi naman lahat, may Twitter account, eh. Karamihan sa CD crowd, wala namang Twitter o Facebook account para iparamdam kay Willie ang labis nilang kaligayahan.

Sana nga lang, tuluy-tuloy na at wala nang mga aberya pang mangyayari para wala na ring isyu at tuluy-tuloy pa rin ang ligaya ng mga tumatangkilik sa kanyang show.

 

Sa mga gustong mag-follow sa amin sa Twitter, paki-search na lang po ang @ogiediaz at sa aming fanpage sa Facebook i-search lang ang “The Ogie Diaz”, at sa aming blogsite wwww.ogiediaz.blogspot.com.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

26 thoughts on “Many people are still not happy with Willie Revillame’s TV comeback!

  1. To: wind balvis- napakalakas ng sobrang inggit kay WR. Ano ka ba bayaran ng mga inggit na inggit kay WR. tama na di mo mabubuwag si WR, daming nagmamahal sa kanya. Dahil kay WR biglang sumigla ang TV5 !!!!!!

  2. kita ko sa pics ni miss princess medyo malaki na nga tiyan niya kasi yung pinsan ko kaibigan niya sa facebook……

  3. pero minsan boring ang show mo mas gusto ko pa magbasa ng mga mens magazine at manood ng x-rated na m2m

  4. @eye of the. tiger -For Real ? He’s doing that ? Well, okay na rin yon. At least makakaraos ang maghapon ng mga mahihirap. Nalamanan na ang sikmura nila may nagawa pa sila sa maghapon nila.

  5. Mga ulol!manahimik na lng kyo.wla na kyo mgawa kundi sirain mga kapwa nyo.bkit hindi kyo magtulungan?kung matapang kyo dun kyo dpat tumira sa BASILAN if not sa JOLO SULU! kya d tyo umaangkat dhil kapwa ntin ang sinisiraan ntin.sino ba perpeckto?

  6. ogie WAG mo ng pakialaman c willie ano man ang sabihin mo gusto ng mga tao c willie yon lang, AT WAG NMAN SBIHIN N LAHAT NG MAY COMMENT NG MAGANDA K WILLIE BINAYARAN o PINAG MIRIENDA kc ako k me bayad o wala maganda a cocomment ko k willie dahil gusto ang show ny. yong mga nag tweet n yan cil (cguro) yong mga gustong bumagsak c willie kaso habang gusto nilang pabagsakin lalo naman umaangat. NANINIWALA KAMI N C WILLIE PINAGPAPALA KC MARUNONG CYANG MAGBALIK NG O MAMAHAGI NG KINITA NY, PAG NAGBIGAY K IBABALIK IYONG NG SIKSIK AT LIGLIG AT NAG UUMAPAW N PAGPAPALA, GANYAN C WILLIE. isa p c willie tapat s yang s INCOME TAX ny KAYO KAYA ANG MAGBAYAD NG MILYON MILYON KADA TAON isipin nyo ILANG ISKOL ANG PWEDENG IPATAYO NG BAYAD NY S TAX. ikaw b ogie kaya mong magbayad ng ganon? kaya tama n kakapuna mo k willie.

  7. mercy taga mas masama pa ang ugali mo sa hinhusgahan mo alam mo ba iyon o talagang wla kang magawa sa sarili mo?wlang bayaran d2 baka kyo pa ndi masaya ang iba sa pagbabalik ni willy kasi taga dos sila dahil sila lang ang may gawa niyan ndi naman tanga ang mga tao para sabihin mo na taga gma ka!!maski arista ng gma wla akong naririnig laban sa kabilang channel.kya wlang dahilan hoi mercy baka ikaw ang patayuin ko ng may bulak sa ilong walang sinabi puro daldal ka!!!basta wil time big time kami doon kyo sa inyong channel..

  8. Baklush na ogie, wala ka na naman pera? tatanggap ka na naman ng suhol? talsik ka na naman sa isang tv station dahil sa pagtatanggap mo ng mga freebies! kahiya ka baklush!

    galing dito sa website na ito…mga taklesa at mga walang credibility ang mga writers! hehehehe lolit solis, ogie..tita swarding…sinu pa?

  9. tinitira nanaman ni ogie si willi kasi kailangan nanaman nya ng suhol kay willioe. hehehe palibhasa di sya nabibigyan ng pera ni willie hahaha

  10. never mind kung de sila happy,problema na nila yun kun de happy e di sige basta welcome back Willie,Huwag ka Willie magbasa ng Twitter,its better ,also tell your staffs esp your ww.girls,na huwag ng ipaabot pa syo yun mga attack against you para de ka ma upset dont give your detractos satisfaction siyempre gusto nila magreact ka na naman,e then mag outburst ka naman sa TV e yun ang hinihintay nila,magalit ka na naman sa TV eh may issue na naman v/s you.Dont worry be happy.more power to you and TV5 and GMA

  11. Kung si Princess Ryan ang nasa blind item, sino ang ama ng dinadala nya? Sino ba ang na link kay Princess, ito ba sya ang na blind item noon na mabaho ang underarm or was it Princess Snell?

  12. Sa mga lahat na Pilipino..kung ano ang mga sponsor sa HAMBOG nayan..boycot natin wag yung bilhin ang mga nag productong yan..Mag kaisa tayo para matigil yung ka hambogan sa ANIMAL nayan

  13. mga nag comments ng maganda sa HAMBOG NA WILLIENG YAN mga bayad yan…haha binigyan ng tig 100 haha pambili raw ng tuyo ulam nila…kahit anong bago ng name ng show mo HAMBOG sasabit karin ulit tingnan natin..pakitang tao ka lang HINAYOPAK ka sana ikaw nalang nabangga sa bus para mabawasan ang mga BASTOS,HAMBOG.. dapat rest in peace kana

  14. BI is Princess Ryan na nabalitang pupunta ng STates para daw asikasuhan yung US citizenship nya dahil American yata tatay nya..

    Tama si the Real Shebie.. Pls. get cristy fermin as one of WTBT dancers. She will definitely make the show rates so high to the maximum level. We want to see her in her most skimpiest suit while dancing and giving away money. Go Cristy Fermin, you are too brave, you can do that…

  15. Hehe sigurado ako ang idol ni Mercy ay si Pepe Pimentel haha sana matira ka ng patayo para maranasan mo ang sarap haha

  16. hayan na naman ang mga galit na hanggang ngayon ndi pa nakakamoveon…ano ba iyan andyan ang inggit na naman kasi maganda iyong loob ng studio ni wil magdasal na lang kyo ndi iyong puro galit siguro talagng loyal kyo sa isang stasyon wla ka namang magagawa kundi manghusga at manira ng tao ako nanonood sa abs at sa gma pero wl akong komento kahit kanino kaya happy ako ndi gaya ng iba dyan nahihigh-blood na sa galit kay wil..m2log na lang kyo ng patayo cgyrado ko makaktulong e2 sa pag-uugali ninyo hahahahaha

  17. Iba ang dating ng bagong set ng Wil time big time. Its totally different entertainment. Pinanonood ko lahat ng mga live shows, this is wow! Itinaas ng TV-5 ang form of entertainment when it comes to set designs. So far, very educational ang Yes or No segment nila.

  18. Pero hindi naman lahat, may Twitter account, eh. Karamihan sa CD crowd, wala namang Twitter o Facebook account para iparamdam kay Willie ang labis nilang kaligayahan.

    —————————— oo sa labis nga ng katuwaan eh nag -hihintay na silang hakutin ni willy isakay sa malaking bus hahaha.. kasama na yang mga libreng orange at apple juice at konting meryenda. solve na naman si willy boy nyan para magmukhang maraming crowd. at yung mga perang galing sa sponsor diretso na sa bulsa ni willy yayaman na naman siya dahil sa panggagamit sa mahihirap.

  19. Willie should get Cristy Fermin as one of her dancers wearing bikini, it will definitely add spice to the show. Go Willie, do another controversial thing so fans will keep on missing you. We wish for you to be suspended again, we kinda like it that way. GO JAN JAN!!!!!!!!!!
    The blind item is Mommy Dionisia.

  20. korek si ogie ang mga nagttweet iyong mga galit kay wil samantalang iyong gus2 si wil ndi marunong magtweet kung meron naman ndi na sila nakikiksali kasi nga walang pupuntahan magtatalo lang bsta kami wil time big time go go go willy basta tumulong ka ng tumulong

Leave a Reply

Your email address will not be published.