Manugang ni ex-Rep. Daza na Pumatay sa BF, Kinasuhan ng Homicide

MULA SA kasong murder na isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa manugang ni dating Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza, matapos umano nitong mapatay ang boyfriend ng dating mambabatas, ibinaba na ito sa kasong homicide.

Nabatid na homicide ang inirekomendang kaso ni State Prosecutor Sullivan Usman ng Quezon City Hall of Justice laban sa suspek.

Napag-alamang si Allan Robes, 38, provincial board member ng Bulacan at asawa ng anak na babae ni Daza na si Jessica ang itinurong suspek na nasa likod ng pamamaslang.

Matatandaang nagkaroon ng komosyon sa ta-hanan ng mga Daza noong Biyernes ng gabi dahil sa away umano nina Robes at ng biktimang si Noel Orate, 55, isang manager sa United Laboratories.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, limang tama ng bala ang tinamo ni Orate dahilan ng agad nitong ikinasawi.

Samantala, bitin naman ang mga kaanak ni Orate sa homicide case dahil ibig nilang gawing murder ang reklamo laban sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.