Manugang ni Corona, kakasuhan din ng DoJ

KAKASUHAN NG National Prosecution Service (NPS) ng tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA) ang manugang na lalaki ni dating Punong Mahistrado na si Renato Corona na si Constantino Castillo III.

Lumalabas sa 18-pahinang resolusyon nina Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela, Assistant State Prosecutor Mark Roland Estepa at Prosecution Attorney Jayvee Lawrence Bandong, nakakita ng probable cause para sampahan si Castillo ng tig-dalawang counts ng paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Base sa isinagawang preliminary investigation ng panel of prosecutors na bukod sa hindi pagsusumite ng income tax returns (ITR), nag-underdeclare si Castillo ng P10.5 milyon ng kanyang income para sa taxable year 2003 habang hindi naman sapat ang declared 2009 income nito na P988,711.00 para bilhin ang properties sa Diliman, Quezon City na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Hindi naman kasama sa kinasuhan ang misis ni Castillo na si Carla, anak ni Corona, dahil sa patuloy pa umanong iniimbestigahan ang kaparehas na reklamo laban dito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.