Manugang, Kinatay ng Biyenan

MAAGANG KAMATA-YAN ang sinapit ng isang pintor makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan habang mainitang nagtatalo sa hindi nabatid na kadahilan sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Nodado Hospital sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Erwin Estanislao, 29, live-in partner, at kasalukuyang naninirahan sa Phase 10-A, Package 2, Block 22, Lot 2, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Romenano Pineda, 40, may-asawa, walang hanapbuhay at nani-

nirahan din sa nabanggit na tirahan.

Base sa ulat ni PO2 Alcee C. Jumaquio, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa nasabing lugar dakong alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na bago umano mangyari ang insidente, ang suspek ay lasing sa alak na dumating sa kanilang bahay at sa hindi malamang kadahilan ay bigla na lamang uma-nong nagkaroon isang mainitang pagtatalo ang magbiyenan.

Habang nasa kainitan ng pagsasagutan ang biktima at ang suspek, biglang pinag-uundayan ng saksak ng matanda ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas dala-dala ang ginamit na patalim.

Si Estanislao ay mabilis na dinala ng kanyang live-in partner sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang biktima.

Ang Caloocan PNP ay nagsasagawa ngayon ng manhunt operation laban sa suspek para papanagutin sa kanyang ginawang krimen.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.