Manufacturing Industry at Computerization sa Caloocan Maaaring Matulungan ng DOST

INTERBENSYON NG Department of Science and Technology (DOST) at mga ahensya nito sa sector ng manufacturing at kompyuterisasyon ang maaaring maitulong sa Lungsod ng Caloocan upang muling maibalik at mabuhay ang lungsod, alinsunod sa pangunahing programa ng kasalukuyang Mayor Oscar G. Malapitan.

Tinatayang 10,000 na ang mga umalis na kumpanya sa lungsod, kaakibat pa ng apat na bilyon piso ang naiwang utang ng nakalipas na administrasyon kaya tila nangangapa pa ang kanyang pamunuan kung paano isasakatuparan ang mga programa.

Maaaring maiahon ang lungsod sa utang kung mabubuhay ang steel industry sa tulong ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC-DOST) at ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD-DOST) sa pamamagitan ng nasabing mga ahensya na aagapay upang muling makahikayat ng investment maging lokal o dayuhan gaya ng isang steel factory na maaaring makapag-employ ng maraming tao.

Nabatid na isa ang Caloocan sa pinakaunang lungsod sa Kamaynilaan at napapanahon na upang ibalik ang dating sigla nito bilang isang industrial hub.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi, uunahin ng alkalde ang kompyuterisasyon ng Business Permit and Lisencing Office (BPLO) dahil sila ang naghihikayat ng mga bagong investment sa siyudad. Sa pagkakataong ito makakatulong naman ang Information Communication Technology Office (ICTO-DOST) bagaman may mga bidders na sila na lilikha ng software para sa nasabing proyekto.

 (MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.