MANSYON NG PAMILYA AMPATUAN, MUNTIK NANG MAABO

MUNTIK NANG MAABO ang mansyon ng pamilya Ampatuan sa Davao City, subalit sa kabutihang palad ay bahagya lamang itong nasunog noong Huwebes ng madaling-araw.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2:42 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa Marfori Heights sa lungsod.

Ayon kay Davao Police spokesman, Supt. Querubin Manalang, nagsimula ito nang magliyab ang Nissan Terrano ng pamilya na nakaparada sa kanilang compound.

Sinabi pa ni Manalang na katiwala lamang ng pamilya ang nasa loob ng compound nang maganap ang sunog.

Nakakita rin aniya ang mga arson investigator ng isang basyo ng bote ng softdrinks malapit sa nasunog na sasakyan na pinaniniwalaang pinaglagyan ng gasolina. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “MANSYON NG PAMILYA AMPATUAN, MUNTIK NANG MAABO

Leave a Reply

Your email address will not be published.