Mansyon ng Namayapang Beauty Queen, Nasunog

NASUNOG ANG mansion ng pamilya ni Binibining Pilipinas International 2009 Melody Adelaide Manuel Gersbach sa Daraga, Albay, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Nilo Berdin, hepe ng Daraga Police, alas-9:15 ng gabi nang magsimula ang sunog sa mansion.

Sa inisyal na im-bestigasyon, lumalabas na ang nag-overheat na electric fan sa kuwarto ni Mr. Jimmy Gersbach na pinagmulan ng sunog.

Umabot ng dalawang oras bago naapula ang sunog dakong alas-11 na ng gabi.

Si Melody Gersbach ang may hawak ng titulong Mutya ng Magayon Festival 2008, Miss Bicolandia 2008 at Binibining Pilipinas International 2009.

Nakasama rin si Gersbach sa top 15 sa ginanap na 49th Miss International pageant sa Macau, China noong 2009.

Sa edad sa 24, binawian ng buhay ang Bicolana beauty matapos ang isang aksidente sa daan noong Agosto 21, 2010 nang bumangga ang sinasakyan nitong Toyota Innova sa isang pampasaherong bus sa bahagi ng Barangay Pawili, Bula, Camarines Sur. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.