Manolo Pedrosa-Maris Racal movie, suportado ng fans ni Janella Salvador

Manolo-Pedrosa-Maris-RacalSUPORTADO NG fans ni Janella Salvador ang launching movie ng ka-loveteam niya sa Oh My G! na si Manolo Pedrosa, kahit na si Maris Racal ang partner dito ng binata at hindi siya. Stars Versus Me ang title ng Manolo-Maris movie at base ito sa best-selling book with the same title na sinulat ni Direk Joven Tan who also direct the movie.

Ang ibang fans nina Manolo at Janella ay nagbabalak pa ngang magpa-block screening ng Stars Versus Me at nakatutuwang gestures ito from the fans na halatang nag-mature na. Isa pa rin sigurong dahilan kung bakit suportado ng Janella fans ang Stars Versus Me ay dahil kasama sa cast ng pelikula ang mom niyang si Jenine Desiderio.

In fairness, ha? Puro good words ang sinasabi ni Jenine patungkol kay Manolo. Kulang na lang na sabihin niya na gusto niya ang binata para sa anak kahit pa inila-loveteam din dito si Marlo Mortel na nasa Oh My G! din.

Ang maganda pa kay Jenine, hindi siya stage mother. Pinababayaan lang niya ang manager ng anak na dumiskarte para sa career nito. Tahimik din siya kapag lovelife na ng dalaga ang pinag-uusapan. ‘Yung iba kasing nanay sa showbiz, mahadera at pakialamera, huh!

Going back to Stars Versus Me, may premiere night sa Manila ang pelikula sa Miyerkules (May 27) sa SM Megamall Cinema 7. Bukod pa ito sa iba pang premiere night na gagawin sa mga probinsiya. Palabas na ang Stars Versus Me sa June 3.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Manolo Pedrosa-Maris Racal movie, suportado ng fans ni Janella Salvador

  1. “Going back to Stars Versus Me, may premiere night sa Manila ang pelikula sa Sabado (May 27) sa SM Megamall Cinema 7.”

    Hindi po May 27 ang Sabado. Pakicheck naman po. Thank you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.