Manok ni chief!

 

0927210xxxx – Boss Raffy, nais ko pong idulog sa inyong programa ang aming problema. Nagdiriwang po kami ng pista dito sa lugar ng Sucat, Muntinlupa City. Sa harap po ng post office ay mayroong sa-bong na nagaganap at ayon sa mga pulis mayroon daw po itong permit. Ang masaklap pa po rito ang kalaban ng mga ordinaryong tao ay mga pulis. At mapapatunayan ko po ito dahil ang pinupustahan na manok ng aking asawa at ng kanyang mga kasamahan  ay pagmamay-ari ng pulis. At nang matalo sa pustahan ang mga pulis pinaghuhuli nito ang mga taong nasa sabungan kasama po ang aking asawa. At ngayon po nandito kami sa tanggapan ng pulisya. Sana po ay tulungan ninyo kami.

 

0946385xxxx – Mr. Tulfo, nais ko po ipaalam sa inyo ang ginagawa ng isang Makati mobile na may plate no. SHU-632 sa lugar ng Cash and Carry cor. Ermita St., Makati City. Ito ay nanghihingi ng inihaw sa mga vendor dito sa aming lugar. At gabi-gabi rin pong kumakain nang libre ang mga abusadong ito. At bukod pa po rito humihingi rin po ng halagang limang daang piso kada linggo sa mga tindero at tindera. Saksi po ako sa ginagawang nilang pangingikil.  Sobra po talaga ang garapal ng mga taong ito. Sana po ay maipaalam po sa kanilang pinuno ang maling gawain ng mga taong ito.

 

0921333xxxx – Idol Raffy, sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang nangyayaring illegal na mga sugalan dito sa aming lugar. Dito po ito sa lugar ng Barangay Caysio. At pagdating po ng hapon kabi-kabilang kalye ang mga sugalan dito. Hindi po ito nakakabuti sa aming lugar lalo na po sa mga kabataan. At kapag linggo naman po ng umaga meron naman pong tupada malapit sa aming Multi-Purpose Cooperative. Idinulog na po namin ito sa aming barangay pero nanatiling bingi at tikom ang bibig.

 

0927540xxxx – Sir Tulfo, tulungan naman po ninyo kami rito sa lugar ng Tanyag, Bicutan, Parañaque. Binakbak ang aming kalye at hindi na po inayos. Kawawa po kaming mga motorista dahil sa sobrang alikabok, baku-bakong kalye at putik kapag umuulan. At ito rin po ang dahilan ng ma-tinding traffic sa aming lugar. Sana po ay tulungan ninyo kaming kalampagin ang MWSS sa iresponsable at perhuwisyong proyekto nila. Umaasa po kami na bibigyan ninyo ng solusyon ang bagay na ito.

 

0947811xxxx – Idol Raffy, paki-imbistigahan po ang isang guwardiya na mayroong kapit sa mga traffic enforcer sa Carmona Expressway. Palagi na lang pong kinikikilan ang aming truck tuwing dumadaan dito. At kapag po pumalag ang aming driver ira-radyo niya po sa kakilala niyang traffic enforcer at pagdating sa dulo bibigyan ito ng napakaraming violation. Sana po ay maimbestigahan ninyo ang mga taong sangkot dito. Salamat po.

 

0933435xxxx – Mr. Action Man, paki-aksyunan naman po ‘yung mga pulis na nangongotong dito sa Krus na Daan sa San Rafael, Bulacan. At isang sibilyan na nag-aastang pulis ang kanilang inuutusan para parahin ang mga truck na dumadaan. ‘Yung truck na may kargang marmol isang daang piso ang hinagis sa kanila para hindi po sila hulihin. At ‘yung ibang mga truck kinse pesos bawat isa. Tuwing madaling-araw po ito nagaganap. Sana po ay tulungan ninyo kami dahil sobra na po ang pang-aabuso ng mga taong ito.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 fm Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4pm. Ito ay simulcast na mapapanood sa AKSYON TV Channel 41. Mamayang gabi, panoorin ang isa na namang makabuluhang episode ng WANTED sa TV5, 10:30pm.  

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.