Manny Paquiao, Bulakbol sa Kongreso!

MUKHANG HINDI talaga tinatantanan ng kontrobersiya ang Pambansang Kamao at People’s Champ Manny Pacquiao. Matapos siyang batikusin kamakailan kung bakit siya bumili ng isang mamahaling yate na milyun-milyon ang halaga at ipamalita sa publiko sa kasagsagan ng malagim at kahindik-hindik na mga sinalanta ng bagyong Sendong sa Mindanao, kung saan maraming kababayan natin ang namatay.

Bago rin matapos ang taon ay naging tampulan din si Manny ng mga chismosa kaugnay sa paglutang muli ng kanyang illegitimate son na humihingi ng pagkilala bilang ama ng bata at gamitin ang apelyido nito.

Ngayon naman, sinasabing hindi matugunan ni Manny ang pagiging congressman dahil isa siya sa may pinakamaraming absences sa Kongreso. Base sa records na inilabas na listahan ng attendance ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan, lumalabas na isa sa may pinakamaraming absences o hindi pagdalo sa sesyon ay si Manny Pacquiao sa 15th Congress.

Kumbaga sa ‘Horror Roll’, fourth placer ang congressman ng Sarangani Province. Si Cong. Manny Pacquiao ay may 32 absences na. 7th placer naman si CGMA at 6th placer ang anak niyang si Mikey Arroyo ng Ang Galing Pinoy Party-List. Kuwento ng isang observer, ito ay maaaring bunsod daw ng very busy career ni Manny lalo na kung siya ay may pinaghahandaang malaking laban. Maliban dito, may weekly TV show pa ito, product endorsements, photo-shoots, TV guestings at imbitasyon mula sa iba’t ibang kumpanya at malalaking tao here and abroad, kaya maaaring wala nang oras ang mambabatas na dumalo pa sa sesyon ng Kongreso.

Maging ang huling laban ni Manny kay Marquez na sinasabing kuwestiyu-nable ay binatikos din dahil hindi na nga raw siya focus sa sports, dahil iniisip din nito ang kanyang mga kababayan sa Sarangani at pagpasok nito ng pisikal sa Kongreso!

Ano kaya ang leksyon dito para kay Manny, tanong ko sa observer. Simple lang aniya, ‘Hindi mo p’wede akuhin ang lahat!’ ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: Sino itong pamintang male TV host na may butlig-butlig daw sa kanyang ari? Malibog daw kasi itong si pa-macho effect na TV host kaya very active ang sex life niya.

Minsan daw ay dinalaw siya sa kanyang bahay ng isang hunk guy na nakilala niya sa isang sikat na gym. Style daw kasi ni male TV host na magbigay ng kanyang contact number kung type niyang machurva ang isang member doon. Kinakaibigan daw niya muna at kapag nakuha na ang loob ay pinapapunta niya ito sa kanyang unit parang doon niya chukchakin ang kanyang hada.

Ang kuwento, nag-inom-inom muna raw sila ng red wine habang nanonood ng DVD. Nang may tama na raw ang lalaki, niyaya ni Male TV Host sa kanyang kuwarto na roon muna magpahinga para mawala ang lasing nito. Ngunit kumbaga sa pelikula, scripted na pala sa utak ng pamintang male TV host kung ano ang mangyayari.

Lagi raw nagtatagumpay si Male TV Host sa istilo niyang ito, maliban doon sa lalaking macho na nakilala niya sa gym. Ayos na raw sana, dahil hubo’t hubad na silang dalawa at ready to fight. Pero mukhang nakalimutan yata ni male TV host na patayin ang ilaw at napansin ni Hunk Gym-Goer na parang may kakaiba sa very ‘angry bird’ ni Male TV Host. At nang tingnan daw mabuti ng guy, na-turn-off ito dahil maraming butlig-butlig sa junjun ni Male TV Host.

At dahil dito, naudlot daw ang sere-monya ng dalawa sa kama dahil na-turn-off na si Hunk Gym-Goer at ‘di na itinuloy ang bonggang churvahan sana nila. Natakot daw kasi si Hunk Gym-Goer na baka may sakit si Male TV host at mailipat ang butlig niya sa kanya.

Clue: Si Male TV Host ay kilala sa mga gathering scenes. At ang kanyang namesung ay ‘your welcome’ ang isasagot mo kapag binabanggit ito. ‘Yun na!

 

Sure Win
By Sherween Eslava

loading...

7 thoughts on “Manny Paquiao, Bulakbol sa Kongreso!

  1. Sobra nakalog na ang utak netong c pakyu. Lahat na lang inaambiusyon at balak pang tumakbong pangulo ng bansa. Kapal din ng mukha ala nmn laman ang utak. Ang lehitimong mayaman hindi pinapangalandakan ang kung anong nabili nila dahil cgro hindi cla kilalang tao. Pero hindi ibig sbhin kung katulad kang sikat ni pakyu kailangan malaman ng madla ang kung ano ang yaman mo. Ang asawa nmn alang ginawa kundi magparetoke kamukha na tuloy ni micheal jackson.  Maghunos dili ka pakyu. Dapat low profile ka lang. Hindi kailangan ipagyang kung ano ang binili mo. Tska wag ka na snang magambisyon pang tumaas ang ranggo sa politics. Hindi ka pra dyan walang laman utak mo may pera ka lang.

  2. @fermez, agree ako sa ‘yo at wala naman dapat sisihin kundi ang mga taong hindi nagiisip o yung mga walang pinag-aralan. Sa madaling salita, PERA-PERA lang yan. Pag sikat ka at mayaman, siguradong iboboto ka ng mga tao lalong-lalo na kung mahirap lang ang iyong bayan. Nanalo si Pacman dahil sikat na siya at mayaman at malaki ang maitutulong niya sa Gensan kahit na nga wala siyang pinag-aralan.

  3. Manny may be present in session but his mind definitely will NOT be there. Kasi, wala namang utak pagdating sa laws of the land. Bakit kasi ibinoto pa siya. Dapat sa boxing na lang siya mag concentrate. Iwan na lang ang position to those who really would like to serve their country. Sayang ang pork barrel.

  4. Manny and Jinkee are both insensitive. We know that they worked hard for what they have now pero di na dapat pinangangalandakan sa buong sambayanan na nakabili sila ng bus, ng yate, ng isla at kung ano ano pa, kacheapan yan to the max at di gawain ng mga totoong mayayaman.

  5. Oh my gosh sino itong nasa blind item, baka si Raymond Gutierez ito, Shalala, sino pa ba ang mga male tv host, luis manzano, ogie diaz, boy abunda, ahahahahahaha, sino pa willie revillame, sino pa, Sweet Lapuz, oh my gosh sino pa ba ahahahaha……….

Leave a Reply

Your email address will not be published.